CHAPTER 15

1443 Words
NAPUNO NG MALALAKAS na palakpakan ang buong Hanoel Coffeeshop matapos ang performance nina Avex at Trax. Hindi na nagtaka pa si Tara nang makita ang ilan sa mga nakapanuod ay napatayo pa habang pinapalakpakan ang magkapatid. Liban na lang sa matandang nag-request kanina na nanatiling nakamasid lang sa mga ito. Mayamaya ay tumayo na ito at lumapit sa magkapatid. “You did great,” bati nito kay Trax. “You live up to your reputation as the best pianist in the world today. But you…” baling naman nito kay Avex. “You’re amazing. The thing is…for how long?” Natahimik ang paligid. Kahit sina Trax at Avex ay napatutok ang atensyon sa matanda. Ano ang ibig nitong sabihin? “There was no doubt about your talent, young man,” patuloy ng matanda “There was so much emotion in your music. So much passion on the way you play that instrument. I have never seen anyone play the way you did. But it was unstable. I could feel this was the first time you ever played with your heart on your sleeve.” Tatayo na sana siya upang ipagtanggol si Avex nang maramdaman niyang pinigilan siya sa braso ni Mirajane. Marahan itong umiling, tila ba sinasabi nitong hayaan ang mga nag-uusap dahil may mahalagang mangyayari sa mga susunod na sandali. At mukhang tama ito. “This won’t be the last time I’ll play this way,” wika ni Avex. “Yes. But the question now is when will be the next? Obviously, young man, you could only play this great when you’re on the heights of your emotions. And there is no place for someone like you in my orchestra.” Nakita niya ang pagkuyom ng mga kamay ni Avex, halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng matanda. “Are you inlove, young man?” Nagulat siya sa tanong na iyon ng matanda. Hindi sumagot si Avex. “You’re inlove, aren’t you? Oh, well. That has always been the cause of a musician’s rise and fall. Most of the time, it’s their fall. And I hate to see you fall. So unless you are ready to discard your heart with feelings of love, you are not going to make it to the top. I could see you are an ambitious lad, always aiming the highest place in the music world. But as I said, if you want to make it, then forget about those feelings. Empty your heart and let your music take over you, all of you. Or…” saglit na sinulyapan ng matanda ang tahimik lang na si Trax. “Or you could ask your brother how he did it. To never let his personal feelings and emotions mixed with his great talent. I’m giving your three days to decide. After that, come and see me. Your manager had my number so she knows how to contact me.” Tinapik-tapik pa nito sa balikat si Avex. “I hope you would choose your talent over your heart. It will be a great loss if such talent gets wasted.” Sinundan lang niya ng tingin ang matanda nang magpaalam na ito at nauna ng umalis ng Hanoel. Nang mga sandaling iyon, pakiramdam niya ay may nakadagang napakabigat na bagay sa kanyang dibdib. Kailangan niya ng tubig. “Ikaw ba si Tara?” Humarang si Trax sa daanan niya. “’Yung kinukuwento sa akin ng mga kaibigan namin na pinagtutuunan na ng oras ni Avex nitong mga nakaraang linggo?” “At ang babaeng dahilan kapag biglang bumagsak si Avex sa pedestal na kinatutuntungan niya ngayon? Oo. Ako nga iyon.” “Hindi ko sinabing ikaw ang magiging dahilan ng decline ng kapatid ko.” “Hindi nga. ‘Yung matandang iyon ang nagsabi. Kino-confirm ko lang para kung sakaling magtanong ka pa—“ “You’re not going to be my downfall,” narinig niyang wika ni Avex. “I’m too great to fall. Sira ulo lang talaga ang matandang iyon.” “Mabuti kung ganon,” wika niya. “Keep that up.” “I will. And I will show everyone I’m not some ordinary musical genius who depends his music on his emotions and feelings.” “Mabuti ulet iyan.” “Susundan ko na ngayon ang matandang iyon. Lissana, where can I find that old freakin’ guy?” “Outside. Smoking.” “Anak ng—bawal manigarilyo rito, ah. Ang matandang iyon, walang pinagkatandaan.” Agad sumunod sa labas si Avex. Nang makasalubong nito ang kapatid niya na papasok naman ng coffeeshop. “Ikaw,” bungad nito kay Jonas na halatang nagulat. “Kapag nag-abroad ang ate mo, mag-aral kang mabuti at dapat laging matataas ang mga grades mo. Huwag kang maglalakwatsa, huwag kang magastos at matuto kang magtipid. At lahat ng matitipid mo, ipunin mo sa bangko pandagdag sa gastusin mo at nang hindi ka hingi ng hingi sa ate mo. Para hindi na niya kailangang magtrabaho nang husto at nang makauwi na rin siya agad.” Malakas pa itong napalatak bago nagpatuloy. “Hindi dapat pinagtatrabaho ang mga babae, lalo na sa ibang bansa. Gawain iyon ng mga lalaki. Kaya ikaw, kapag nalaman kong nagloko ka sa pag-aaral mo habang nagpapakahirap ang ate mo sa pagtatrabaho sa ibang bansa, ihuhulog kita sa helicopter ng walang harness.” Tuluyan ng lumabas ng coffeeshop si Avex pagkatapos iwan ang kapatid niyang tila may napakalaking bagay na na-realize sa buhay dahil pagbaling nito sa kanya ay nagtutubig na ang mga mata nito. “Ate…” nagsusumamo ang boses nito nang lumapit sa kanya. “Huwag ka ng umalis. Kanina nakita ko sila tatay na malungkot at si nanay e umiiyak pa. Hindi na ako magdo-doktor. Simpleng course na lang ang a-apply-an ko sa college at sa murang university na lang ako mag-aaral. Kaya ko ring magtrabaho habang nag-aaral para makatulong sa bahay kahit paano at nang hindi na rin tayo masyadong gumastos sa pag-aaral ko. Basta huwag ka na ring umalis. Dito ka na lang…” Pinitik niya ito sa ilong. “Para kang tanga. Huwag ka ngang umiyak. Nakakahiya sa mga nakakakita sa iyo rito.” Sinulyapan niya ang magkasintahang Trax at Mirajane na walang kiyeme sa panunuod sa drama nilang magkapatid. “Pasensiya na, Sir, Ma’m.” Nakangiting tumango lang ang mga ito. Binalingan niyang muli ang kapatid. “Bakit ka nga pala nandito?” “E kasi nga hindi ko matiis sila nanay na malungkot.” Nagpunas na ito ng luha. “Ate…” “Hindi na ako puwedeng mag-backout. May kontrata na ako at malilintikan ako kapag hindi ko iyon tinupad.” “May kilala akong magaling na lawyer na puwedeng tumulong sa iyo na maayos ang kontrata mo,” singit ni Trax. “Oo nga. Maganda pa ang boses nun,” dugtong ng girlfriend nito. “Salamat na lang ho. Huwag na lang ninyong pansinin itong kapatid ko.” “Avex really likes you, you know.” Napayuko na lang siya sa sinabing iyon ni Trax. “I know.” “Do you like him?” Hindi siya sumagot. “Ate, pakasal ka na lang sa lalaking iyon. Gusto mo naman siya, hindi ba? Mayaman naman siya—“ “Jonas!” galit niyang hinarap ang kapatid. “Kailan ka pa natutong mag-isip na manggamit ng ibang tao para guminhawa ang buhay natin? Kaya ko kayong bigyan ng masaganang buhay, sa sarili kong paraan! Kaya huwag na huwag mo na uli babanggitin iyang sinabi mo kung ayaw mong malintikan sa akin. Wala sa lahi natin ang maging gold digger!” “I’m sure that’s not what your brother meant—“ “I’m sorry,” baling niya kay Trax. “Kalimutan nyo na sana ang sinabi ng kapatid ko. May…may o-order-in ho ba kayo?”  “Ah…just give us anything cold to drink.” Hinila niya ang kapatid patungo sa counter matapos kunin ang order nina Trax. Doon niya pinagalitan pa si Jonas na hindi na umimik pa at tahimik na lang na sinarili ang kung anomang nararamdaman o sasabihin pa nito. Kahit kailan, hinding-hindi siya papayag na isipin ng sinoman na gagamitin niya si Avex para lang makaahon sila sa kahirapan. Dahil minahal talaga niya ang binata ng walang halong ano pa mang ibang motibo. Ngayon tuloy ay mas lalong naging determinado siyang makaalis ng bansa at patunayan sa lahat na kaya nilang gumanda ang buhay nila sa sarili nilang paraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD