CHAPTER 14

2352 Words
KASING GLOOMY ng panahon ang mood ni Tara nang umagang iyon habang nakatitig lamang siya sa cash register ng Hanoel. Kahit na nga pagod na siya sa maghapong pagtatrabaho, hayun at hindi pa rin siya makapagpahinga ng maayos sa gabi pag-uwi niya. At nagsimula iyon nang araw na magpaalam siya kay Avex. Pero may motto yata sa buhay ang mga bagong nagmamahal. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Ayaw niyang batukan ang sarili. Pinili niya ang pangarap niya para sa kanyang pamilya imbes na pakinggan ang pangungulit ng kanyang puso. Kaya dapat ay masanay na siyang laging nanghihinayang sa pinalagpas niyang pagkakataong lumigaya sa piling ng lalaking minahal niya. Kapalit iyon sa naging desisyon niya. Gayunpaman, hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na mangarap na sana ay makita pa at makausap si Avex kahit hanggang sa makaalis man lang siya ng bansa. Masyado ba siyang makasarili? Hindi naman siguro. Gusto lang naman niyang pagbigyan ang hiling ng kanyang puso kahit sandali lang. O kahit makita man lang si Avex. Kahit isang sulyap lang… “Pabili nga.” Lumipad ang lahat ng iniisip niya nang marinig ang boses na iyon. Avex! Pag-angat niya ng tingin, hayun nga sa harapan niya ang lalaking natutunan ng mahalin ng kanyang puso. In his usual stylish messed up garb, he was still the most gorgeous messed up-looking guy she had ever seen. Hindi nga lang ito nakatingin sa kanya, kundi sa menu na nakalagay sa bandang itaas sa likuran niya. Lumipat siya mula sa cash register patungo sa harapan nito. Still, he was looking at nowhere else but at the menu above. She could feel her heart shrinking into a corner, trying to comfort that little pains she was starting to feel. Gone was the man who made her feel like she was the only woman in the world. The only beautiful thing in his eyes. The only woman in his life. Okay lang, kumbinsi niya sa sarili. Okay lang iyan… “One brewed coffee.” Tahimik niyang itinala sa cash register ang order nito at muling hinintay kung magdadagdag pa ito ng order. Ngunit matapos ang ilang sandaling katahimikan ay naglabas na lang ito ng pera at iniabot iyon sa kanya. “That would be all, thanks,” wika nito saka nagtungo na sa bakanteng table sa tabi ng glass panel window at itinutok na ang atensyon sa pagbuhos ng ulan sa labas ng coffeeshop. Okay lang… “May LQ kayo?” narinig niyang tanong ni Gerry. “Hulaan ko kung sino ang may kasalanan. Ikaw.” Napabuntunghininga lang siya upang kahit paano ay maibsan ang bigat ng nararamdaman. “One brewed coffee daw.” “Hindi ka tatanggi? Himala.” “One brewed coffee. Gawin mo na agad o ikaw ang igigiling ko sa gilingan ng kape.” “Okay, okay. Grabe. Ang init yata masyado ng ulo mo ngayon. Guilty?” “Oo. Super.” Kung anoman ang naging reaksyon ni Gerry sa sagot niya, marahil ay sinarili na lang nito dahil hindi na niya ito narinig pang nagsalita. Siya naman ay muling inabala ang sarili sa cash register sa paghahanap ng magagandang piraso ng barya na isusukli sa pera ni Avex. She took her time, so as to avoid letting her eyes and attention drifted to that man who now owns her heart. Naglagay si Gerry ng extra bagel sa tray kasama ng tinimpla nitong kape. “Baka kasi gutom na ang sweetheart mo,” wika nito. “Kung anoman ang pinag-awayan ninyo, ayusin mo na. Alalahanin mo, aalis ka na sa susunod na araw. Oo nga pala, bakit nandito ka pa? Resign ka na kaya dapat ‘yung pag-eempake ng mga gamit na ang inaasikaso mo.” “Last day ko na ngayon.” Muling dumako ang tingin niya sa direksyon ni Avex. “Magpaalam ka na sa kanya. Baka magwala iyan dito kapag hindi ka na niya nakita sa susunod niyang balik dito. Ang layo pa naman ng nilalakbay niyan para lang makita ka.” “Huwag mo na ngang dagdagan pa ang dahilan kung bakit ko minahal ang sira ulong iyan.” “Sabi na nga ba, eh.” Inginuso na nito ang tray ng order ni Avex. “Sige na. Humingi ka na rin ng goodbye kiss. Muah.” Tinalikuran na siya nito at hinayaang magdesisyon, sa huling pagkakataon, para sa pobre niyang puso na halos hindi na niya maalo pa. Her heart just reached out to the man who seemed so far away. Biting her lower lip, she took the tray and gave in to her heart’s one last wish. Avex looked at the coffee and bagel she placed on his table, before looking up to her. Her heart almost burst out from the love she feels for this man in front of her. “I didn’t order for a bagel.” No matter how cold he turned out to be, thanks to her rejecting him. Tumango lang siya at dinampot ang platito ng pobreng tinapay. Ngunit hindi man lang niya naiangat ang platito dahil pinigilan na iyon ni Avex sa pamamagitan ng hintuturo nito. “I changed my mind. Just leave it here.” Muli siyang tumango at hinayaan na lang ito. Nang muli niya itong marinig na nagsalita. “Hindi ka na talaga makikipag-usap sa akin? Hanggang sa umalis ka?” That caught her by surprise. Nang lingunin niya ito, muntik na niyang kalimutan ang lahat ng plano niya sa buhay. Avex just made her feel like wanting to be with him more than anything else in the world, just by sitting there and watching her like that. “Ikaw naman…ang hindi nakikipag-usap sa akin.” “I thought that’s what you want.” “No—I mean…hindi ganon…” “Its okay. Narinig ko na ang boses mo kaya bumalik ka na sa trabaho mo.” Pagkatapos ay ibinuhos na uli nito ang atensyon sa pagkain nito. Hindi na niya maintindihan kung ano ang gusto nitong sabihin. O kung ano ang gusto niyang gawin. Naiinis siya sa maraming bagay. Naaasar siya sa maraming pagkakataon. Bakit kasi hindi na lang tumugma ang lahat? Sana noon pa niya ito nakilala, noong hindi pa niya naiisipang mangibang bansa. Sana noon pa sila nagkakilala,noong simple pa ang buhay ng pamilya nila. Sana noon pa…para matagal pa silang nagkasama at nagkaroon siya ng pagkakataon na mahalin ito ng tama at maramdaman ang espesyal nitong atensyon sa kanya ng mahaba-habang panahon. Sana hindi na lang niya ito minahal kung ganito rin naman pala ang kalalabasan ng lahat. Wrong timing, putek!  “Avex! Thank goodness at nandito ka!” Nilingon niya ang tumawag dito. Isang magandang babae ang lumapit dito. Hindi na niya inaksaya pa ang oras na alamin kung ano ang maaaring relasyon ng dalawa dahil agad nagtago ang puso niya sa likod ng cash register kung saan niya inabala ang sarili sa kung ano ang puwedeng mapagkaabalahan doon. Gayunpaman, hindi pa rin nakaligtas sa matalas niyang pandinig ang usapan ng mga ito kaya nalaman niyang ang babae ang manager ni Avex at ng kapatid nito. “Saan ka ba nagsususuot at ilang beses na kitang tinawagan e hindi ka naman sumasagot?” “My phone was stolen.” “Right. Anyway, Claudio Cavaliere is here. Yes, your favorite principal conductor of La Scala Opera House of Milan is here. Masuwerte tayo at nagkaroon siya ng pagkakataon na makapagbakasyon bago ang susunod niyang major concierto. At dito nga sa Pilipinas niya napiling mag-unwind. And he wanted to meet you.” “Wala ako sa mood.” “Avex! You can’t be serious! Ito ang matagal mo ng pangarap, ang maging parte ng orchestra ng paborito mong conductor! Paano mong nasasabing wala ka sa mood na makilala ng personal ang taong iyon?!” Hindi niya narinig na sumagot si Avex. Kaya kahit ayaw niya ay hindi pa rin niya napigilan ang sarili na alamin kahit paano ang reaksyon nito. Siya ba ang dahilan kung bakit tinatanggihan nito ang isa sa mga pangarap nito? Avex, huwag kang ganyan. “Fine. I’ll meet him. Pero hindi ngayon dahil wala talaga ako sa mood na gumawa ng kahit na ano.” Muli nitong ibinaling ang atensyon sa labas ng salaming bintana. “’Must be the rain.” “Is this about your brother again?” “No. It’s the rain.” Napabuntunghininga na lang ang babae. “Heto na naman tayo sa topak mo. Kung hindi lang talaga ako hanga sa talento ninyo ni Trax, matagal na akong nag-alsa balutan dahil sa ugali ninyong iyan. I know that’s part of you being an artist. But…do you really have to pass on a great chance just to accommodate your whims?” Naikuyom niya ang mga kamay nang ilang segundo, mariing pumikit, saka pinakawalan ang namumuti na niyang mga palad sa higpit ng pagkakakuyom niya. Pagkatapos ay nilapitan niya si Avex. Subalit bago pa man siya maka-ilang hakbang ay may nauna na sa kanyang nakalapit sa puwesto ng binata. It was their foreigner customer who had been sitting comfortably on a nearby table, sipping his coffee and reading a morning newspaper. Mabait ang may edad ng foreigner dahil nakapagkuwentuhan sila nito ng kaunti nang ihatid niya ng order nito kanina. “Could you play for me, young man?” “Oh my—Mr. Cavaliere!” Nakita niya ang matinding pagkagulat sa mukha ng manager ni Avex, pati na rin ang kakaibang reaksyon ng binata mismo. He had sat more straighter as if paying more attention to the old man.  “I heard a lot about your talent, yours and your brother’s,” patuloy ng matanda. “Could you play at least one piece for me?” “What if I don’t want to?” Muntik na niyang paliparan ng tray sa ulo si Avex. At mukhang pareho sila ng mood ng kasama nitong babae. Gusto na niya itong sigawan na huwag na nitong palagpasin ang pagkakataong iyon. But Avex seemed to have gotten more into his secret cave that moment and he wouldn’t let anyone disturb him. Even the one person he had been dreaming of working with. What an idiot. Nagtungo siya sa music corner ng Hanoel at dinampot niya ang nakatungangang violin doon saka iyon iniabot kay Avex. “Kaya mo iyan, Avex. Pasikatan mo siya. Itayo mo ang bandera ng Pilipinas.” Matagal siya nitong tinitigan bago nagsalita. “You haven’t heard me play, have you?” “Hindi pa. Ngayon pa lang.” He took the violin and lead her down to the chair he just vacated. “Diyan ka lang.” Pagkatapos ay hinarap nitong muli ang matandang lalaki. “Which piece do you want me to play?” “Whatever you desire.” “Okay.” “Hey. You need a company?” Sabay pa silang napalingon sa huling nagsalitang iyon. It was Avex’s brother Trax. Nakilala rin niya ang kasama nitong babae. Si Mirajane, na sa pagkakaalam niya ay fiancee na nito. “Hindi ko kailangan ng tulong mo,” wika rito ni AVex. “Hindi naman tulong ang ini-o-offer ko. Baka lang kako kailangan mo ng kasama. You know, for old times’ sake.” Napansin niyang saglit na napangiti sai Avex saka pasimpleng sumenyas ng pagsang-ayon sa sinabi ng kapatid. Trax greeted the old man and their manager before leading his woman to a seat beside her. “Hi,” bati ni Mirajane sa kanya. “Hello.” “Biktima ka rin ng kaguwapuhan, kakisigan at talento ng dalawang bugoy na iyan?” Ngumiti lang siya at sinulyapan si Avex na nakamasid lang sa kanya, na tila ba hinihintay ang magiging kasagutan niya. Marahan siyang tumango. Avex slightly raised up his eyebrow with his eyes seemed to sparkle as a little smile turned up the side of his lips. “Let’s do River Flows In You,” wika ni Trax na naupo na sa harap ng piano. Tumango lang si Avex ngunit muli itong nagtungo sa music corner, binitiwan ang violin saka inayos ang upuan para makapuwesto ng maayos sa harap ng cello. “Can you keep up?” tanong ni Trax dito. “Can you?” Iminuwestra ni Avex ang mga kamay nito. “Genius ako.” “Ako rin.” Pumailanlang na ang napakagandang musika ng piano at ilang sandaling lang ay sinabayan na iyon ng tunog ng cello. Minsan na niyang narinig na tumugtog si Trax noong bagong magkakilala pa lang ito at si Mirajane. Back then, she thought Trax really had all the rights to be called a piano genius. At naisip niyang wala ng gaganda pa sa musikang naibibigay ni Trax sa pamamagitan ng piano nito. Pero ngayong nasasabayan na ito ng ibang instrumento, sa mga kamay ni Avex…napatunayan niya sa kanyang sarili kung gaano kagaling ang magkapatid. It was the most beautiful sound she had ever heard in her entire life. At si Avex, talagang wala na itong dapat na gawin kundi ang lumikha ng ganon kagandang musika kasama ng kapatid nito. Dapat ipagpasalamat ng mundo na may Avex at Trax na nilikha ang Diyos para sa kanila. These two were truly, wonderfully amazing. Wala siyang pinalagpas kahit isang nota ng musikang pumapailanlang nang mga sandaling iyon. Bawat pitik ng tiklado ng piano, bawat kalabit sa string ng cello, lahat iyon ay isinasapuso niya at hinahayaang tumatak sa kanyang isip. Hinding-hindi niya makakalimutan ang sandaling ito habang siya ay nabubuhay. Ang magkaroon ng pagkakataong marinig at mapanuod ang pagtugtog ng dalawa sa pinakamahuhusay na musikero sa kasalukuyan. Ang mapagmasdan si Avex sa mundong kinabibilangan nito at makita ang katotohanang wala talaga siyang karapatan na pumasok sa mundong iyon. Malungkot ang puso niya. Gayunpaman, masaya na rin siyang malaman na kahit kailan ay hindi na niya maiistorbo pa ang ginintuang talentong iyon ng binata. Soar high, Avex, bulong ng puso niya. And you will always have a fan in me. Always.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD