PAKIRAMDAM NI TARA ay nabigyan siya ng pangalawang pagkakataon para sa mabuhay nang tuluyang makababa sa sasakyan ni Rodgine. Siya na lang ang sumama rito dahil ayaw na talaga nina Everly at Jed na sumakay pa uli sa kotse nito. May dahilan naman pala ang takot ng mga ito.
Harabas si Rodgine sa kalye. At hindi iyon dahil sa marunong ito magmaneho ng mabilis kundi dahil tila lagi itong galit sa preno.
“We’re here. Ano na ngayon ang susunod mong gagawin?”
Doon lang siya tila nahimasmasan. Nasa harapan na nila ngayon ang isang mansyon na kasing taas ng gusali na may tatlong palapag at malawak na hardin. Ito ang bahay ni Avex? Napatingala siya sa bubungan niyon. Sira ulo lang ang makakaisip na magwalis sa ganon kataas na bubong.
E sira ulo si Avex.
“Look, o. Bukas ang gate.”
Paglingon niya kay Rodgine ay kitang-kita niya nang basta na lang nito sipain ang maliit na gate. Nang makitang basta na lang iyon bumukas ay mabilis siyang lumapit dito at pumasok sa bakuran nina Avex.
“Avex!” malakas niyang sigaw para marinig nito ang boses niya mula sa bubungan ng mansyon. “Avex, nariyan ka pa ba?! Okay ka lang ba?!”
At tila lumundag ang puso niya nang makitang sumilip mula sa gilid ng bubong ang mukha ni Avex.
“Tara?”
“Oh my God! Huwag kang tatalon!”
“Okay. I won’t.”
Mas lalong kumabog ang dibdib niya sa narinig. Kung ganon, may balak talaga itong tumalon mula roon kung walang makakapagligtas dito sa pagkaka-trap nito sa bubong ng mansyon nito?
“Diyan ka lang! Hahanap ako ng tutulong—“ Nahagip ng tingin niya ang nakatumbang stainless steel na hagdan na marahil ay ginamit nito sa pag-akyat kanina. “Pambihira ka naman kasi! Ano ba ang pumasok sa kukote mo at bigla mo na lang naisipang magwalis ng bubong?! Ang lawak-lawak nitong bakuran mo, bakit sa bubong ka pa magwawalis?!”
“E kasi nga, baliw,” sagot ni Rodgine.
Sinubukan niyang itayo ang natumbang hagdanan ngunit masyado iyong mabigat para sa kanya. “Rodgine, puwede mo ba akong tulungan?”
“Nakaakyat siya riyan ng mag-isa, matuto siyang bumaba ng mag-isa. At saka, ang mga babae dapat ang inililigtas ng mga lalaki. Not the other way around.”
“Well, kung mapapansin mo, kailangan ni Avex ng tulong.”
Humalukipkip lang ito at marahang umiling nang hindi kumikilos sa kinatatayuan nito. “You are such a nice girl, aren’t you? Masuwerte si Avex na nagkaroon siya ng isang tagahangang gaya mo na devoted sa kanya—aray!”
Narinig pa niya ang tunog ng isang maliit na bagay na tumama sa ulo ni Rodgine. Isa iyong tila buto ng isang bunga. Pagtingala nila sa pinanggalingan niyon ay nakita nilang nakasungaw uli si Avex sa gilid ng bubong at nagbabadya na namang ibato ang isa pang buto kay Rodgine.
“Tara is not a fan. She’s my inspiration so stop feeding her with ideas that would mess up her head. Just go and help her with that ladder.”
“Yeah, dude. ‘Galing mong mag-English.”
“I know your little secret back in highschool, Rodgine. Kung hindi tutulungan si Tara na iligtas ako, sasabihin ko iyon kay Markus.”
Kung ano man ang sikreto ng dalawa, halata na lugi si Rodgine dahil nasa mukha nito na mas gusto nitong ipalo kay Avex ang hagdan nang walang imik na itong tumulong na maidikit iyon sa gilid ng pader ng mansyon. Mula roon ay may maliit ng hagdan na magagamit si Avex para makasampa sa mas mahabang hagdan na tutuntungan nito para makababa.
“Thanks, Rodgine,” sambit niya sa babae na tumango lang at tahimik pa rin na iniwan sila roon.
The woman looked shocked. And really pissed off. Kaya hinayaan na lang niya ito at mag-isa niyang inalalayan ang hagdanan hanggang sa tuluyang makababa si Avex. Saka lang siya nakahinga ng maluwag nang masigurong ligtas na nga ito.
“Talagang na-trap ka sa bubong ng bahay mo.” Napayakap na lang siya sa katawan ng hagdan. “Kakaiba ka talaga, Avex.”
“Inisip mong nagbibiro lang ako?”
“Oo.”
“Hmm. Still, I’m glad you came.”
“Puwede ba naman kitang pabayaan pagkatapos mo akong tawagan at sabihin ang sitwasyon mo? Pambihira. Hindi na tuloy ako nakarating sa appointment ko para sa medical exam ko. At ang bigat pa nito.” Gigil niyang pinalo ang hagdanan. “Sa susunod na maisipan mong magwalis, puwedeng dito ka na lang sa garden mo? Malawak naman dito—“
“Tara.”
“Magsawa ka sa kaka-walis—“
“Tara.”
“Ano!” Paglingon niya kay Avex ay tila agad naglaho ang anomang iritasyon niya sa naging kapabayaan nito.
Because Avex was giving her a look that tamed her rambling system and managed to make her heart pay attention to his every detail. His tousled hair that framed his handsome face, the early growth of facial hair that made him look more attractive than ever before, the way his eyes seemed to sparkle as he continued watching her, his lips that was slowly curving into a smile that made her knees go weak once again.
Okay. Stop. Hindi na maganda ang itinatakbo ng direksyon ng puso niya at kailangan na niyang gisingin ang sarili, bago pa siya malunod sa magandang panaginip na iyon. Subalit hindi naman niya magawang kumilos para lumayo na rito. His eyes…the way he looked at her seemed to trapped her in her place.
Or was it her heart that was refusing to walk away from him?
Kumilos si Avex palapit sa kanya, sa kabilang bahagi ng hagdan, na tila ba alam nito ang kagustuhan niyang magkaroon ng pagitan sa kanila. Ngunit sa ibinibigay nitong tingin sa kanya ng mga sandaling iyon ay parang hindi rin magkakaroon ng silbi ang pagitan na iyon.
Dahil siya mismo ay gusto ng ibato ang hagdan na iyon at nang wala ng istorbo pa sa paglalapit nila ng tuluyan ni Avex.
If you can’t stay for Avex…then just stay away from him from the start.
“If I asked you to stay…will you stay? For me?”
Hindi siya makaimik. Kulang ang salitang shock para maipaliwanag ang estado ng buong pagkatao niya nang mga sandaling iyon.
“I won’t deny the fact that I like you, Tara. Not because I needed an inspiration for my craft. I like you because you make me feel…nice. I’m happy whenever I think of you. I’m happy when I hear your voice. I’m happy whenever I see you. I’m happy knowing that you care for me.” Yumakap na rin ito sa kabilang panig ng hagdan, paharap sa kanya. “Maraming tao ang nagbibigay sa akin ng atensyon, kahit hindi ko kailangan. Marami ang nag-aalala at nag-aalaga sa akin. Pero wala sa kanila ang nakakapagpasaya sa akin. Kung tatanungin mo ako ngayon kung bakit ikaw…hindi ko iyan masasagot dahil ako man ay hindi alam kung bakit ikaw ang lagi kong gustong makita, makausap, at makasama. Basta ang alam ko, gusto kita. Kung aalis ka…”
She braced her heart and tried her best to control her bursting emotion from the things she just heard. “Kapag umalis ako, mawawalan ka na naman ng gana na gawin ang mga dapat mong gawin, lalo na pagdating sa musika mo. Ganon ba? Sinabi mo dati, Avex. Na hindi ka kasing hina gaya ng inaakala ng iba tungkol sa iyo. Na kaya mong mabuhay at magpatuloy sa iyong musika ng wala ang ibang tao. Gawin mo iyon ngayon. Dahil hindi ko kayang manatili rito…para sa iyo.”
Gusto niyang bawiin ang lahat ng kanyang mga sinabi. Pero pinigilan niya ang sarili. She just met him, and her family needed her the most. Hindi siya puwedeng mamili, wala siyang dapat na isakripisyo…
Its time to say goodbye, Tara. Time to wake up from your little fantasy.
“I like you, too, Avex. But I can’t stay. Maghanap ka na lang uli ng ibang magiging inspirasyon mo.” Kinuha niya ang hawak nitong cellphone at hinanap doon ang kanyang numero para burahin. Para lang malaman na ang tanging numerong naka-save roon ay ang numero niya.
Her eyes sting with tears as she shoved the cellphone back to him. “Ikaw na ang magbura. Mauuna na ako sa iyo. Baka sakaling maabutan ko pa ang clinic na pupuntahan ko para sa medical exam ko. Mag-iingat ka at huwag ka na sanang magwawalis sa bubungan ng bahay mo.”
Pagkatapos ay iniwan na niya ito nang hindi na siya nagtangka man lang na pagbigyan ang munting hiling ng puso niya na tingnan ang mukha nito sa huling pagkakataon. Kapag ginawa kasi niya iyon, baka magbago pa ang isip niya. Lalo na ngayong nararamdaman niyang hindi lang basta isang simpleng pagkakagusto ang nararamdaman niya para rito. Naiintindihan niya ang sinasabi ng kanyang puso.
She was inlove with Avex.