CHAPTER 8

1382 Words
THE ALCOVE RESORT’S main hall was filled with Avex’s powerful violin masterpiece. Wala na siyang alam sa kung ano ang nangyayari sa paligid niya. Mula sa unang tunog ng violin na hawak niya, hanggang sa kasalukuyan, hindi na niya alintana ang paglipas ng mga sandali. His awareness of his surrounding, of everything else beside the sound of the violin in his hands, faded as music filled his senses. He could feel every strum of the violin strings, he could clearly hear of each sound, he could feel the whisper of the wind against his cheek as he push and pull the bow of the musical instrument in his hands. His fingers felt like its on fire with the heat it created as it glide against the violin’s strings. But he had no intention of stopping. Ang mga ganitong pagkakataon sa buhay niya ang nakakapagpaalala sa kanya kung bakit niya minahal ang mundo ng musika. Mula pa noong unang pagkakataon na marinig niyang tumugtog ang kanyang ama sa isa sa mga konsiyerto nito, batid na niyang may malakas na kuneksyon ang pagkatao niya sa musika. At nang matuto nga siya sa unang musical instrument na nahawakan niya ay hindi na siya tumigil sa paglikha ng musika. Ah, he felt good. Really good. His every breath was music. His every pulsing veins, every inch of him, was music. He was never a music genius. He. Is. Music. Kasabay ng huling nota ng kanyang musika ay unti-unti niyang iminulat ang kanyang mga mata. Manhid na ang pakiramdam ng mga kamay at braso niya. Pawisan na rin siya habang habol ang kanyang paghinga. Ngunit sa kanyang mga labi, naroon ang isang lihim na ngiti na nakalaan lamang para sa buong puso niyang paghanga sa simpleng instrumentong nakakapagbigay ng ekstra-ordinaryong klase ng musika. Saglit pa siyang nagtaka nang marinig ang palakpakang iyon mula sa mga manunuod niyang ngayon lang uli niya napansin. “Bravo!” “Magnifico!” “Ole! Ole!” It was his friends. Highschool friends, to be exact. Ngayon na lang nagiging malinaw uli sa kanya ang mga kaganapan kung saan nabuyo siya ng mga ito na tumugtog dahil nababato na raw ang mga ito sa pagmumukha ng isa’t isa. Siya, si Chris, at si Trax lang ang tanging marunong tumugtog ng kahit na anong musical instrument sa grupo nila. Pero may inasikaso si Chris sa sarili nitong private resort at si Trax naman ay absent pa rin sa mga pagtitipon nilang magkakaibigan dahil inaasikaso naman nito ang kasal nito sa kasintahan. Siya lang ang tanging minalas na naging biktima ng pambobola ng mga kaibigan. He was fine with it, since he was in a good mood anyway. Napansin niya ang ilang kababaihan na naroon din sa hall kung saan naka-set up ang ilang mga tables and chairs para sa mga guests ng The Alcove Resort na kasalukuyang nagpapalipas ng oras doon. Palihim na kumaway ang mga ito habang kanya-kanya ng mga ngiti bilang appreciation marahil sa katatapos lang niyang performance. Simpleng kaway lang din ang isinagot niya sa mga ito bago nagtungo sa kinaroroonan ng mga kaibigan niya na lahat ay nasa harap ng mini bar. Sinalubong siya ng mga ito ng yakap, malalakas na tapik sa balikat at mga kurot sa magkabila niyang pisngi. “Ikaw na lang ang wedding singer sa kasal namin ni Aminah. Hindi ito request kundi isang utos.” Sinimangutan lang niya ito. “Ang asawa ni Syrus na si Ani ang singer, Raoul. Hindi ako.” “Hindi puwedeng kumanta si Ani dahil nagpapahinga pa siya sa latest concert niya,” wika ni Syrus. “Kaya maghanap na lang kayo ng ibang performer sa kasal mo, Raoul.” “Performer ba kamo? Ako, puwede!” singit ni Dominic. “Kung hindi ninyo naitatanong, marami akong naitatagong talent sa katawan. Unexplored pa nga lang.” “Wala akong tiwala sa unexplored talent mong iyan, Dominic. So keep off the grass. Hindi ka kasali sa wedding performers namin ni Aminah.” “Ang sama mo naman. Hindi ka na ma-reach…” Jamic joined in. “Ang campaign rallies ko, Dominico, hindi kailangan ang unexplored talent mo pero kailangan ko ang suporta mo. Ang suporta ng barkada nating mga guwapo. Ayon kasi sa nakalap kong impormasyon, malakas ang hatak ng mga pogi sa mga kababaihang botante.” “Avex.” Markus slipped in between him and their other friends. “Mas close tayo, hindi ba? So, puwede mo ba akong tulungan na haranahin ang puso ni Rodgine? Baka sakaling mabuhay ang amor sa akin ng dragonesang ‘yon kapag narinig ka niyang tumugtog.” “No.” Iniwan na niya ang mga nagkakaingay na mga kaibigan at nagtungo sa minibar. Um-order siya ng inumin nang hindi inaalis ang mata sa inilapag na cellphone sa ibabae ng counter. “You seem distracted,” bati ni Drake, ang may-ari ng The Alcove Resort. Tumabi ito sa kanya sa minibar. “At sa grupo natin, nadi-distract lang tayo kapag may kinalaman sa babae.” Hindi siya umimik. Tinatamad siyang magsalita kaya bahala na ito kung ano ang gusto nitong isipin. He sipped on his drinks, while his mind was still occupied with something else. With someone else. “I suddenly felt like dating someone,” mayamaya’y wika niya. Napasipol lang si Drake habang isa-isa ng lumapit sa kanila ang iba pa nilang kaibigan, halata ang matinding kuryusidad ng mga ito. “Ito ang unang pagkakataon na narinig ka naming sinipag makipag-date ng hindi na isinet-set up pa,” wika ni Emiru. Sinalat nito ang noo niya. “Wala ka namang lagnat.” “I’m fine.” He took out a lighter from his pocket and was about to lit up his cigarette when he remembered Tara’s face as she saw his cigarette the first time they met. He shoved his lighter back on his pocket without lighting his cigar. “Kung hindi ninyo ako mabibigyan ng ka-date, ang mabuti pa ay tumahimik na lang kayo. Huwag na rin kayong umasa na maririnig pa ninyo uli ang performance ko. Wala na akong ganang tumugtog.” Markus suddenly called someone on his cellphone. “Round up the top models of the country and send me their pictures—“ “I don’t like models,” sansala niya. “s**t, man. May sakit ka nga.” Hinawi ni Dominic ang mga kaibigan nila at ito ang pumuwesto sa harapan niya. “Don’t tell me…you wanted to date Chris’ coffeeshop girl.” “I’m telling you…” Tinanggal niya ang sigarilyo sa bibig saka binalingan ang mga kaibigan. “I wanted to date Chris’s coffeeshop girl.” Biglang inagaw ni Dominic ang cellphone ni Markus at may kung sinong tinawagan doon. “Yo, Chris. Nariyan ba ang babaeng crew mo? I think her name’s Tara. And our dear Avex wanted to date her. Puwede mo ba siyang ikulong diyan hanggang sa makarating kami? Importante lang. This is a matter of life and death—“ Saglit na napakunot-noo si Dominic. “Everly? What the heck are you doing with Chris’ phone?! Ha? Number mo ito?” “You idiot.” Inagaw uli ni Markus ang cellphone nito. “Si Rodgine ko lang ang babaeng puwedeng tawagan sa cellphone ko. Next time, call your woman on your own cellphone.” “Everly is not my woman.” “You are all growing up just fine, my friends.” Inakbayan sila ni Drake. “But, a piece of advice, if you like a girl, go and get her. Minsan lang dumating sa buhay nating mga macho guwapito na maging seryoso sa nararamdaman natin kaya seryosohin na natin iyan. Dahil baka biglang magtampo sa inyo si Kupido e maiiwan kayong luhaan at sunog ang lapay.” Pinisil pa nito ang pisngi niya. “As for you, musical genius,  you look like you’re really into that coffeeshop girl. If she stirs something special in you, then she is definitely someone worth the attention of Avex The Great. Don’t you think so?”  “Yes,” sabay-sabay na sagot ng iba pa nilang kaibigan para sa kanya. Ngumiti lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD