“IIIIIHHH…KINIKILIG AKO!”
Natawa na lang si Tara nang makita ang customer na niyakap ang cellphone nito. “Good news, Mam?”
“Better than good news. Dominic called me.”
“Boyfriend ninyo?”
“Hindi. Top five kong crush.”
“Ah.” Inilapag na niya sa table nito ang in-order nitong kape at isang hiwa ng blueberry cheesecake. “Top five. Ang dami nyong crush, ah.”
“Kailangan ko iyon para mabuhay. Lalo na sa tulad kong manunulat.”
“Writer kayo, Mam?”
“Oo. Tagalog romance. Nagbabasa ka ng ganon?”
“E…hindi masyado, Mam. Busy ako sa trabaho ko, eh.”
“Ay naku. Kailangan mong magbasa, lalo na ng mga gawa ko.” May kinuha itong maliit na libro sa bag nito, pinirmahan iyon saka inilapag sa tray na hawak niya. “Hayan. Gawa ko iyan. Basahin mo kapag stressed ka na.”
Natawa na lang siya. “Sige, Mam. Salamat. May order pa ho ba kayo?”
“Wala na. Ah, wait. May kilala ka bang Tara? Dito raw siya nagtatrabaho, eh.”
“I’m Tara. Bakit?”
“Really? Great. Dominic said their dear Avex wanted to date you.”
Muntik ng dumulas sa kamay niya ang hawak niyang tray. “Si…Avex?”
“Oo. ‘Yung guwapo-kahit-mukhang-gusgusing musician na half-brother ng isa pang guwapong talented na musician.”
“Kilala mo sila?”
“Isinama kami ng boss namin minsan sa reunion ng barkada ni Dominic. Ewan ko nga rin kung paanong napasama roon si Boss Rodgine samantalang ang pagkakaalam ko e school for boys ang dating paaralan nina Dominic…”
Hindi na niya masyadong nasundan ang kadaldalan ng babae dahil na-stuck na siya sa naunang impormasyong sinabi nito. Avex wanted to date her.
I’m enjoying this. I’ll see you in a few days, Miss Minority.
Those were Avex’s words when they last saw each other a few days ago. Akala nga niya ay hindi na ito magpaparamdam pa pagkatapos ng munting eksena nilang iyon sa kanilang bahay sa harap ng kanilang refrigerator. Hindi niya sineryoso ang sinabi nitong liligawan siya nito. Pero babae siya, kaya natural lang sa kanya na umasa kahit paano na sana nga ay totoo ang sinabi nitong iyon. Ngunit sa paglipas ng ilang araw na wala man siyang narinig na kung ano mula nang huling beses silang nagkita, unti-unti na rin niyang pinilit ang sarili na kalimutan na lang ang kalokohang iyon ng sira ulong artist na iyon. Unfortunately, hindi siya nakalimot.
Kaya nang muling marinig ang pangalan ni Avex, hayun at nagrarambulan na naman ang daga sa kanyang dibdib.
Ah, whatever! Sa tipo ng lalaking iyon, hindi na dapat siya umasang magseseryoso ito.
“Huwag mo masyadong intindihin ang sinabi ng top five mong crush, Mam. Malamang nahipan na naman ng malamig na hangin ang utak ng musikerong iyon.”
“Lakas tama ba? Kunsabagay, para ngang may saltik iyong si Avex. But then again, artists have their own unique ways to convey what they want to someone. Gaya ko. since I’m a romance novelists, considered na artist na ako at isa sa paraan ko para maiparating kay Lord ang appreciation ko sa pag-manufacture Niya ng mga pogi sa mundo ay sa pamamagitan ng mga nobela ko.”
“Babae ka naman kasi, Mam. Kaya alam kong seryoso ka sa pagpapahayag mo ng kung anomang gusto mong iparating sa mga tao. Pero si Avex? Ilibre mo lang iyon, siguradong magbabago na agad ang pananaw nun sa buhay.”
“So, hindi ka naniniwala sa sinabi ni Dominico?”
“Naniniwala. Kay Avex lang hindi.”
“Let’s confirm it then.” She started dialling her phone. Was the woman calling Dominic to ask Avex directly? “Yo, Doms beybeh—ha? You’re not Dominic? Ibalik mo sa kanya ang cellphone niya! Snatcher!” Mukhang nasigawan ng kung sinoman sa kabilang linya ang babae dahil nakangiwi nitong inilayo nito saglit ang cellphone sa tenga nito. “Ikaw si Markus? ‘Yung may crush sa Boss Rodgine ko? Okay, bati na tayo. Nasaan na nga pala ‘yung may crush sa akin? What? Nakaalis na si Dominic? O sige, ikaw na lang ang tatanungin ko. Totoo bang gustong makipag-date ni Avex kay Tara?”
Kung sakaling naging lalaki lang ang babaeng ito, hinampas na niya ito sa ulo ng tray na hawak niya. Bakit nito tinawagan pa ang mga kaibigan ni Avex para lang kumpirmahin ang bagay na binabalewala na nga niya?
“Oh, my gosh! That is so…errr!” Iniabot nito sa kanya ang cellphone. “Gusto ka raw niyang kausapin. Huwag kang mag-alala, hindi ito si Markus.”
“Hindi si Markus?”
“It’s Avex.”
Daig pa niya ang sinipa ng kabayo sa dibdib sa biglang pagkalabog ng t***k ng kanyang puso. Avex wanted to talk to her!
“Sorry. Pero may trabaho pa ako.” Tinalikuran na niya ito at nagtungo sa kanyang puwesto sa likod ng cashier’s area.
“Sorry, Avex. Mas mahal ni Tara ang trabaho niya kaysa sa iyo, eh,”narinig pa niyang wika ni Everly. “Gusto mong iparating ko pa rin sa kanya ang mga gusto mong sabihin? Mahal ang talent fee ko.” Nakita niyang napangisi si Everly. “Hey, Tara! Avex said he hopes you’re doing fine! You’re doing fine, right?”
Napalingon siya sa ibang customers na napalingon na kay Evelyn. Halata ang curiosity ng mga ito, lalo na at napapadako ang tingin sa direksyon niya. Oh, dear Lord. Pasimple niyang sinenyasan si Evelyn na tigilan na ang ginagawa nito at nakakaistorbo na ito sa ibang customer.
“Hindi raw siya fine, Avex,” wika ng nobelista sa kausap nito. “Bakit? Let’s see…duguan siya, eh. Wala na ring malay—saang ospital? Ha-ha! Wala, joke lang iyon—hello? Hello? He cut off the line. May attitude ang lolo.” Nakangiti siyang kinawayan ni Evelyn pagkatapos bago ibinuhos ang buong atensyon sa harap ng laptop computer nito.
Saka naman tumunog ang cellphone niya. “Hello?”
“Tara! Are you okay? Are you hurt? Where are you now? Which hospital you went to?”
Kunot-noon niyang tiningnan ang numero sa screen ng kanyang cellphone. Hindi iyon naka-register kaya walang pangalan ang caller niya.
“Sino ‘to?”
Saglit na katahimikan muna ang sumunod bago muling nagsalita ang nasa kabilang linya. “Its me. Avex.”
Muntik na niyang mabitiwan ang cellphone nang marinig ang pangalang iyon. Oh, goodness! Avex was calling her, and he was really worried. And her heart just won’t stop beating like crazy.
“Tara, are you still there?”
“O-oo…”
“Where are you?”
“Nandito sa Hanoel.”
“You’re not at a hospital? Pero ang sabi ni Everly…”
“Na nagbibiro lang siya. Bawal akong makipag-usap sa telepono kapag oras ng trabaho ko kaya—“
“Wait.”
Naghintay siya ng susunod nitong sasabihin kahit halos alam na niya kung tungkol saan iyon. Ang pasaway niyang puso, talagang hindi na niya mapigilan ang pagwawala. Lagot na. May crush na nga talaga siya sa lalaking ito. Crush. Uso pa pala iyon sa edad niya ngayon. Kunsabagay, meron bang pinipiling edad, pagkakataon at oras ang puso kapag tinamaan iyon ng topak na makakita ng taong pag-iinteresan?
Napabuntunghininga na lang siya. “Gusto mo raw akong maka-date.”
Walang sagot mula sa kabilang linya. Either nagulat ito sa pagiging direkta niya, o kaya naman…hindi iyon ang gusto nitong sabihin.
“Yes. That’s true,” mayamaya ay sagot nito.
Oh. My. Gosh.
“Bakit?”
“Bakit hindi?”
“You don’t like me, Avex.”
“Hindi ako nanliligaw ng babaeng hindi ko naman gusto.”
Oo nga naman. Pero…“Biro mo lang naman iyon, hindi ba?”
“Hindi ako nagbibiro sa mga ganong bagay. Lalo na at nakapagpaalam na ako sa mga magulang mo.”
Pesteng lalaki ito. May balak yata itong tuluyang madala sa ospital dahil sa tindi na ng t***k ng kanyang puso. Idagdag pa na hindi niya maiwasang hindi magustuhan ang mga naririnig mula rito kahit na nga alam niyang isang taga-aliw lang ang tingin nito sa kanya.
“Hindi ako nakikipag-date sa mga naninigarilyo.”
“I just quit smoking a few minutes ago. So, are we in?”
“Avex—“
“I’ll take that as a yes.”
“No!”
“I’ll still take that as a yes. Susunduin kita riyan sa Hanoel mamaya. Anong oras ba ang labas mo?”
“Next year.”
“I’ll just ask Chris then. See you, Tara.”
The line was cut and she was left there, dumbfounded about what just happened. Kaya naman bahagya pa siyang nagulat nang makita ang kanyang amo na nakatayo sa tabi niya at nakangiti na sa kanya.
“Sir, please don’t tease me. Iiyak na talaga ako kapag may nanukso pa sa akin—“
“Ayiiieee~”
Walang mga puso talaga ang magkakaibigang bugoy na ito. Tumawa lang si Chris saka wala ng iba pang sinabi nang kausapin si Gerry para sa ibang instruction nito tungkol sa Hanoel. Tahimik lang siyang nakatayo sa harap ng cash register ngunit sa lakas ng t***k ng kanyang puso, pakiramdam niya ay guguho na ang naturang coffeeshop. At ang isip niya, halos hindi na niya alam kung ano ang unang iisipin.
Ang Avex na iyon talaga…
“Ate!”
Malakas pa siyang napakislot nang marinig ang boses ng kapatid na si Jonas na humahangos na pumasok ng Hanoel. “Anong ginagawa mo rito? Hindi ba’t may klase ka pa?”
“Maaga ang uwian namin. Absent ‘yung huling teacher namin, eh. Siyanga pala, Ate, dumating ito kanina sa bahay.” Isang brown envelop ang ibinigay nito sa kanya. “Ate, tanggap ka na sa in-apply-an mong trabaho sa Australia. Magpa-medical ka na daw para alis ka na agad pagdating ng visa mo.”
Gusto sana niyang sermunan ang kapatid dahil mukhang nauna na itong buksan at basahin ang laman ng naturang envelop. Pero laking tuwa niya sa narinig kaya pinalagpas niya ang pagiging usisero ng kapatid ngayon. Binasa pa rin niya ang sulat na laman ng envelop. Tanggap na nga talaga siya at hihintayin na lang niya ang working visa niya.
“You’re leaving the country?” tanong ni Chris.
“Ah…yes, Sir. I’m just looking for more good working opportunities. Hindi kasi sapat ang suweldo ko ngayon lalo na at magka-college na ho ang kapatid ko.” Itinuro niya si Jonas. “Gusto raw niyang maging doktor, eh.”
“Sabi ko naman kasi sa iyo, Ate. Kaya kong magtrabaho para tulungan ko ang sarili ko na makapag-aral sa college kahit hindi ka na mag-abroad.”
“Hindi ka makakapag-concentrate sa pag-aaral mo kung magtatrabaho ka kaya tumahimik ka na lang diyan. Umuwi ka na nga. Maraming gawain sa bahay at kailangan ni nanay ng tulong doon.”
Nagpo-protesta man ay sumunod na rin ang kapatid.
“Sorry I couldn’t raise your salary,” mayamaya’y wika ni Chris. “You know how business are these days.”
“Naku, Sir. Kung hindi nga lang ho sa pag-aaral ng kapatid ko e hindi ako aalis dito sa Hanoel. I like it here. Simple lang ang trabaho at malapit pa sa amin. Kaya lang kasi…”
“Its okay. I’m not condemning you for trying to give your family a good life. Anyway, when you finished your contract there and felt like coming back here, let me know. I would always need someone like in my shop.”
“Thank you, Sir. Mami-miss ko rin ang kaguwapuhan ninyo.” Iminuwestra pa niya ang mukha nito at ginawa ang accent ng isang commercial sa telebisyon. “Walang ganyan sa States.”
Ngumiti lang ito. Ngunit napansin niyang tila may iba pa itong iniisip. Tama siya.
“Excuse me for asking but…do you like Avex?”
“Sir?”
“I’m aware of Avex’s fascination in you. If you will leave the country anytime now, I suggest that you don’t entertain him anymore. If you can’t stay for him, then…just stay away from him from the start.”
Ilang sandali rin siyang nakamasid lang dito hanggang sa unti-unti na rin niyang tinanggap ang sinabi nito. Marahan siyang tumango.