CHAPTER 10

679 Words
NASAAN KA? Nasa Mars. Anong ginagawa mo riyan? Namamalengke ng lalaki. Pangit ang mga Martians. May nakita akong isang pogi. Bakla iyan. Hindi napigilan ni Tara ang mapangiti nang mabasa ang huling text message na iyon ni Avex. Nang bigla niyang maalala ang sinabi ni Chris nang huli silang nagkausap nito. Hindi na niya sinagot ang text at isinuksok na lang sa bulsa ng kanyang pantalon ang cellphone saka ipinagpatuloy ang pamimili sa mga luggage bags na naka-display sa mal na pinuntahan niya. Day-off niya kaya naisipan niyang bumili na ng gagamiting maleta sa pag-alis niya ng bansa. Tumingin-tingin na rin siya ng ilang mga bagay na kakailanganin niya. Ilang minuto rin ang lumipas bago siya nakapili ng luggage bag na kulay pink. Nakapila na siya sa counter para magbayad nang maramdaman niyang may kung biglang kumuha ng maleta sa kamay niya. Nagulat pa siya nang makitang si Avex na ang may hawak ng luggage bag niya. “Anong ginagawa mo rito?” Nagkibit-balikat lang ito. “Taking a walk.” Hindi na siya dapat magtaka pa sa mga sinasabi at ginagawa nito. He was Avex afterall. Weird Avex…weird but handsome Avex…who looked exceptionally hot now that he had shaved all his facial hairs and combed his hair. Hindi niya mapigilan ang sarili na titigan ito. Mas mahaba pala kaysa inaakala niya ang buhok nitong lagpas na ng balikat nito. Gayunpaman, ngayong wala ng sagabal na facial hairs sa mukha nito, mas lalo lang nadagdagan ang kung nag-uumapaw na nitong karisma. Ang amo pala ng mukha nito. Maamo at saksakan ng guwapo! Hindi na bale na tila wala itong ibang nakikita kundi ang particle sa harapan nito. Okay lang. Napakadaling patawarin nito sa lahat ng ka-weird-uhan nito just by having that handsome angelic face… “If you can’t stay for him, then…just stay away from him from the start.” Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig nang maalala ang mga salitang iyon ng kanyang amo. Kinuha niya kay Avex ang maleta. Ngunit inilayo lang iyon sa kanya ng binata. “Kung part ito ng panliligaw mo, huwag mo ng ituloy. Humanap ka na lang ng ibang mapaglilibangan dahil aalis na ako ng Pilipinas.” Nang unti-unti siya nitong lingunin ay parang gusto niyang bawiin ang mga sinabi. Dahil sa kaibuturan ng kanyang puso…naroon din ang munting pagtutol sa naging desisyon niyang iyon. “I can’t stay for you, Avex.” Sinubukan uli niyang kunin dito ang luggage bag. Sa pagkakataong iyon, nagtagumpay na siya. Mas lalo tuloy nadagdagan ang nararamdaman niyang iritasyon na hindi naman niya matukoy kung ano ang dahilan. “Ano pa ang kailangan mong bilhin?” wika nito mayamaya. “Samahan na kitang bumili. Magaling akong mag-shopping.” “Avex—“ “Pink doesn’t look good on you,” tukoy nito sa maleta niya. “Pink is evil. Let’s go find you a good color.” He took her luggage bag before taking her hand on his and gently pulled her back to the bags section of the department store. Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod dito. Dahil sa sandaling hinawakan nito ang kanyang kamay, may isang katotohanan siyang na-realize. Gusto pa niyang makasama ang binata, kahit man lang hanggang sa oras ng kanyang pag-alis. Minsan lang niya maramdaman ang ganitong klase ng pakiramdam para sa isang taong hindi niya kapamilya. Kaya kahit kaunting oras lang ang natitira sa kanya, kahit malaki ang posibilidad na magalit sa kanya ang mga kaibigan nitong pinahahalagahan ito ng husto, kaya na siguro niya iyong banggain. Makapal naman ang mukha niya. Kayang-kaya niyang harapin ang mga sermon at pangungutya siguro na matatanggap niya mula sa mga kaibigan nito kapag nagkataon. Basta kasama niya si Avex, basta gusto pa siyang makasama nito, ayos na iyon. Magpapaalam na lang siya ng maayos at magpapaumanhin ng todo sa pagiging makasarili niya kapag oras na ng kanyang pag-alis. Sa ngayon… Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ni Avex. Tayo na munang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD