CHAPTER 11

2097 Words
“KAKAILANGANIN MO NG MGA vitamins pampalakas ng resistensiya ng katawan mo. Since first time mong makakatuntong sa Australia, siguradong maninibago ang katawan mo sa extreme weathers doon. At kakailangan mo rin ng iba’t ibang damit para sa iba’t ibang season ng Australia. Hindi uubra ang mga damit na nakasanayan mo rito sa Pilipinas. Kailangan mo rin ng mga bagong sapatos na ka-partner ng mga bagong damit.” Parang masisiraan na ng bait si Tara sa dami ng kailangan niyang bilhin. At bakit ang mamahal ng mga presyo ng pinagkukuha ng lalaking ito? Lihim niyang sinenyasan ang saleslady na more than willing mag-assist kay Avex saka ito pilit na hinila palayo roon. “Sa Divisoria na lang ako mamimili ng mga kailangan kong damit. Ang mamahal dito. Wala akong pambili,” mahina niyang bulong kay Avex. “Ako ang magbabayad.” “Ikaw? Bakit?” Avex took each piece of clothings he put his eyes on and tossed it to the saleslady. “Isipin mo na lang na kabayaran ito sa papel mo sa buhay ko sa kasalukuyan. Afterall, hindi naman ako magkakapera kung hindi ako inspired magtrabaho. Ano nga pala ang magiging trabaho mo sa Australia?” patuloy nito habang patuloy din ito sa pagkuha ng mga damit. “Magkano ang magiging suweldo mo roon? Anong klase ng bahay ang titirhan mo? Alam mo bang mataas ang libido ng mga Austalians doon?” “Kailangan talagang sabihin mo pa sa akin iyan?” “You need to be properly informed.” Hindi na siya nakasagot nang lumipat ito sa ibang hilera ng mga damit at doon naman ito naghanap ng isasama sa ‘koleksyon’ nito para sa kanya. Pinagmasdan lang niya ito. Mukhang kahit anong gawin o sabihin niya ay nakapagdesisyon na ito. “Isipin mo na lang na kabayaran ito sa papel mo sa buhay ko sa kasalukuyan. Afterall, hindi naman ako magkakapera kung hindi ako inspired magtrabaho.” She gave out a short sigh. Hindi siya maaaring sisihin ng sinoman kung sakaling mag-ilusyon man siyang totoo ang ginagawa nitong panliligaw. Naman, sinong luka-lukang babae ang hindi mahuhumaling sa isang tulad ni Avex? Mukhang busabos na napakalakas ng dating, guwapo kahit balbasarado, galanteng weird, at ang lakas makabanat ng mga salitang nakakapagpasirko sa puso ng isang babaeng nagsusumikap na tanggihan ang karisma nito. Por ehemplo, ‘yung tatlong saleslady na kasalukuyang nag-aasikaso rito. Naaawa lang siya sa mga ito dahil tila wala namang nakikitang ibang tao si Trax na panay lang ang tingin sa mga bagay na nasa harapan nito. Mayamaya ay nilingon siya nito at sinenyasan na lumapit dito. “Bakit?” Imbes na sumagot ay inilapat lang nito sa kanya ang hawak nitong blouse. Hindi niya trip ang kulay, lalo na ang design dahil parang para sa isang may edad na ang naturang damit. “Bagay sa iyo ito,” wika nito mayamaya. “Maitatago ang lahat ng dapat na itago sa mga Australiano.” “Ang sama mo. At ayoko niyan.” Inilayo niya ang damit. Sinulyapan niya ang mga napili nitong damit na bitbit ng mga saleslady. “Tama na ito. Nakakahiya na sa iyo.” “Kulang pa iyan.” “Avex. Tama na.” Halata sa mukha ng binata na hindi nito gusto ng pinipigilan sa mga ginagawa nito. Gayunpaman, hinayaan na lang din nito na manalo siya at hinarap ang mga saleslady. “Tama na daw iyan.” “Okay, Sir. Dito po ang cashier.” “Sir, ang suwerte ho ng girlfriend ninyo sa inyo.” “Oo nga, Sir. Guwapo na kayo, galante pa. Sana lahat ng lalaki tulad ninyo.” “Salamat. Pero hindi ko girlfriend si Tara.” Hindi niya alam kung sino ang gusto niyang saktan nang mga sandaling iyon. Si Avex na walang gatol siyang ipinagkanulo sa harap ng ibagn tao, o ang mga saleslady na agad nagningning ang mga mata sa nalaman. “She’s not my girlfriend. But she is my inspiration. So when she comes here again, please don’t ever say she looks good on pink,” wika nito saka kinuha sa mga saleslady na napatanga na lang ang mga damit na napili nito at nauna na ito sa cashier area. “Ma’m, hindi nyo talaga siya boyfriend?” “Hindi,” natatawa niyang sagot. “Narinig nyo naman siya, hindi ba?” “Pero kung umasta siya, daig pa niya ang proud na proud na boyfriend sa inyo.” “At bagay sa lahat ng babae ang pink. Bakit kaya ayaw niya na mag-pink kayo?” “Obvious naman. Itinatago ni Sir ang kagandahan ni Ma’m. Maganda nga naman si Mam at kapag nag-pink siya e mas lalong aangat ang ganda niya. Ibig sabihin, mas dadami rin ang karibal niya. Di ba, Mam?” Natawa na lang siya sa sinabi ng huling saleslday. Bigla tuloy siyang nagdesisyong ang mall na iyon ang magiging pinakapaborito niyang lugar sa buong mundo. Kanina pa bloated ang puso at ego niya dahil kay Avex. Mamasamain kaya ng binata kung sakaling bigla na lang niya itong yakapin at halikan? Coz Avex was really being so…adorable at the moment. “If you can’t stay for him—“ Ah, shut up. Nilapitan niya si Avex na nakapila na sa counter na katatapos lang magbayad sa counter. “Ako na ang magdadala ng mga iyan.” He just swung the paperbags over his shoulder and led her out of the department store. “I’m hungry. Let’s eat something.” “Avex…” “What?” Huminto siya at tiningnan ito. At naramdaman na naman niya ang tila paglambot ng puso niya para sa kakaibang lalaking ito. Masaya siya sa nararamdaman niyang iyon. Gayunpaman, hindi pa rin niya maiwasan ang malungkot. “You’re a good guy, Avex. Kaya…pasensiya ka na kung hindi talaga ako puwedeng maging inspirasyon mo ng matagal. Gusto ko sana ng ganong papel sa buhay mo kaya lang…” “Ganon ba talaga ang image ko? Na hindi ko kakayanin kapag nawala ang mga tao sa paligid ko?” “Well…medyo.” Napabuntunghininga na lang ito. “Look, I maybe a little childish sometimes, but it doesn’t mean I’m useless without someone’s help. Nakakalimutan yata ninyo na isa akong mgaling na artist. Kaya puwede ka ng tumigil sa pag-iisip na malulugmok ako sa kalungkutan kapag nawala ka. I’m only acting this way towards you at the moment becase I like you.” Daig pa niya ang nakarinig ng pagsabog ng atomic bomb sa sinabi nito. At mukhang hindi lang siya ang nagkaroon ng ganong reaksyon, base na rin sa nakikita niyang tila saglit na pagkatulala ni Avex. Bigla yatang nasira ang mood nito dahil nagsalubong na ang mga kilay nito at iritable na ang boses nang muling magsalita. “Ah! You’re messing up my words. Kailan ka ba aalis ng bansa?” That slammed her back to reality. Kainis, ha? “Huwag kang mag-alala. Pagdating na pagdating ng visa ko, lalayas na agad ako at hindi na magpapakita sa iyo kahit kailan.” “Hindi kita pinapalayas ng Pilipinas. Nagtatanong lang ako.” “Okay.” Nauna na siyang naglakad upang maghanap ng makakainan. “Bakit ang init ng ulo mo?” tanong ni Avex na nakasunod lang sa kanya. “Hindi mainit ang ulo ko.” “You’re angry.” “Gutom lang ako.” “Then let’s eat some icecream. Pampalamig ng ulo.” Hindi na siya nakatanggi nang hilahin siya nito sa kalapit nilang icecream kiosk. Agad naman siyang naintriga sa icecream dahil iyon tipikal na scooped icecream na nakikita niya. Iba’t iba kasi ang kulay ng icecream na kasing lalaki ng tennis balls ang naka-display sa mga estante. “Mochi icecream?” tanong niya sa isang crew doon. “Yes, Ma’m. Japanese icecream ho.” “Kakaiba iyan, ah.” “This was probably one of Keigo’s business,” wika ni Avex. “Ang lakas talaga mangurakot ng Philippine peso ang Japanese tora-tora airplane na iyon. Ayoko niyan. Yayaman na naman iyon at mangunguna sa ranking namin.” “Ranking?” “Kung sino ang pinaka-progressive na indibwal sa grupo namin ngayong taon. Some sort of a game, para hindi kami tamarin sa pagpapayaman.” “Okay, ah. Laruan lang ang negosyo. May mga tao talagang pinagpala kaysa sa iba, ano?” Binalingan niya ang nagugulumihanang crew. “Pabili nga ng dalawang strawberry flavored.” “I told you pink is evil.” Hindi niya ito pinansin at inabot na lang ang binili. “Mochi, mochi!” “That evil Keigo…” “Here. Pampalamig ng ulo.” Ibinigay niya rito ang isa. Tiningnan lang iyon ni Avex. “Sabi mo nagugutom ka na, tapos tatanggihan mo ang pagkain. Pinaghirapan pa naman kitang ilibre…” Nagulat na lang siya nang kunin nito ang iniaabot niya, at kinalahating kagat ang bilog na icecream saka ibinulsa ang plastic packaging. Ang laki talaga ng galit nito sa mga bagay na kulay rosas. “Aaah…ah…!” Avex’s face became distorted as he pinched his temple. “A-anong nangyayari sa iyo?” “Brainfreeze! Aah…!” Hindi na ito mapakali. Hindi na rin niya alam kung paanong pipigilan ang kanyang tawa. Sira ulong lalaki. Laklakin daw ba kasi ang kalahati ng frozen icecream? Hayan tuloy ang inabot, matinding sakit ng ulo dala ng lamig ng pagkain. Pero bago pa siya makapag-react ay bigla na lang siya nitong hinila palapit dito at inipit sa pagitan ng braso at solidong katawan nito. “Hoy, ano ka ba? Pakawalan mo nga ako. Nakakahiya sa mga tao—“ Sa muling pag-ipit nito sa kanya ay saka lang niya naintindihan kung para saan ang pagyakap nitong ito. He was trying to minimize his misery by squeezing her tight. Doon na siya tuluyang natawa. Sira ulo nga talaga ang lalaki. Walang magawang matino. At lagi na lang…hinahayaan siyang makalapit dito nang walang kahirap-hirap. Kaya naman, heto siya. Enjoy sa mga pagkakataong ibinibigay sa kanya ni Avex para kahit paano ay mapagbigyan niya ang kapritso ng puso niya. She could get used to this. Nang maramdaman niyang nakakabawi si Avex ay unti-unti na rin siyang lumayo rito. Subalit nanatiling mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. “Avex.” “I still have the other half of the freakin’ icecream.” “May kailangan pa akong gawin. Kainin mo ang icecream mo ng mag-isa.” Sinubukan uli niyang humiwalay dito ngunit hindi pa rin siya nito pinapakawalan. “Let go, Avex.” Hindi naman niya kailangang magdalawang salita pa at agad din siya nitong pinakawalan. Hindi nga lang siya sigurado kung tama ba na malungkot siya na ganon lang siya nito kadali na hinayaang lumayo rito. Sheesh. Now she was getting way too sentimental about this little drama of theirs. Pinalo niya sa braso si Avex. “Dahan-dahanin mo lang kasi ang pagkain niyan. Hindi bagay sa iyo ang magmukhang tanga.” Kung ano man ang balak nitong isagot nang mga sandaling iyon ay hindi na nito nagawa nang mag-ingay ang cellphone nito. “Hello, Lissana. What is it? I’m out. I told you I want to take a break. Don’t call me to remind me of my practice session. I’m busy—“ Tuluyan na niyang kinuha rito ang mga paperbags. “Salamat sa mga ibinigay mong ito. Ngayon kailangan mo ng mapakinabangan ang inspirasyon na ibinibigay ko sa iyo, esepcially now na binayaran mo na iyon nitong mga gamit na ito. Mag-practice ka na. Goodluck, ha?” Hindi na niya hinintay kung ano pa ang magiging reaksyon nito at nauna na siyang naglakad palabas ng naturang mall. Kailangan niyang bantayan ang kanyang sarili, dahil masyado na siyang natutuwa kay Avex kahit sa mga pagkakataong dapat ay sinasabunutan na niya ito sa sobrang asar dito. Hindi puwedeng masanay siya nakasama ito. Hindi puwedeng masanay siya sa pakiramdam na iyon dahil anomang oras ay maghihiwalay na sila ng landas. Okay lang na mag-enjoy siya sa presensiya nito ngunit hanggang doon lang dapat at hindi na lalagpas pa roon. Hay. Kung bakit naman kasi ang tagal niyang nakatengga sa Pilipinas e hindi ito nagpakita. At ngayong lalayas na siya, saka pa ito sumulpot sa buhay niya. Minsan, ang sarap ding sabunutan ng pagkakataon. ‘Lakas ng trip, eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD