Tamad sanang bumangon si Aqua kaya lang naalala niyang may atraso pala siya sa mga tatlong kwago. Kaya no choice siya kung hindi ang bumawi. Dali- dali itong lumabas ng kwarto at pumunta ng kitchen. Naratnan niya doon sina Bambi at Ina nitong si Aling Binang. "Ang aga mo yatang nagising Senyorita, wala ka namang pasok?" bungad ni Bambi nang makitang paparating ang dalaga. "Hindi kasi ako nakatulog nang maigi dahil sa guilty. Kaya sabi ko babawi ako ngayon do'n sa tatlo sana umepekto." Sagot ni Aqua. "Magkape ka muna, Senyorita." Sabi naman ni Aling Binang na kiming ngumiti. "Salamat po! Pero, puwede po bang magtanong?" nakangiting sagot ni Aqua. "Ano iyon, Senyorita?" tanong naman ni Aling Binang at tuluyan na nitong itinigil ang ginagawa. "Ahm..ano- ano po bang mga ulam ang gusto ng