"You're pretty and young, nakailang boyfriend ka na?" mula sa likuran ni Aqua ay nagsalita si Tamara. Napahinto naman si Aqua sa ginagawa nitong pagbabawas ng mga brown leaves sa mga tanim na namumulaklak sa may hardin. Gawai na talaga niyang bisitahin ang mga iyon every morning kahit pa hindi niya tanim. Mahilig talaga siya sa mga namumulaklak at namumunga kahit pa mga gulay, in short love niya ang pagtatanim. Noong maliit pa siya ay tinuruan siya ng kanyang Papa kasi may mini garden sila sa likod- bahay. At dinala naman niya ang hilig niyang iyon hanggang sa nagdalaga siya. "Aminado akong okay ang hitsura ko, pero boyfriend? Wala pa sa aking isipan," sagot ni Aqua nang humarap siya kay Tamara. Tumaas naman ang isang kilay ni Tamara. "Come on, huwag na tayong maglokohan. All girls now