Nagtataka si Aqua nang papasok ito sa gate ng kanilang University. Marami ang nagtitilian na animo may sikat na artistang dumating sa kanilang Campus. Kaya medyo napaismid ang dalaga, mga ganoong gawain ay ekis sa kanya. "Aquaaa!" tili agad ni Shiela nang makita nito ang kaibigan. "Anong nangyayari sa'yo at tila pati ikaw kinikilig ang tinggil kagaya ng mga 'yan?" sagot ni Aqua sabay nguso sa mga kababaihang kilig na kilig sa kung sino mang dumating sa kanilang Campus. Subalit hindi nagsalita si Shiela bagkus ay mabilis nitong hinila ang kaibigan papunta sa kanilang classroom. "Si Ford," kinikilig pa ring bigkas ni Shiela na may pakagat labi pa. Natigilan si Aqua dahil naroon nga si Ford, nakatayo sa may pinto ng kanilang classroom. May hawak itong bungkos ng red roses with a sweet