C-46: Isip Ay Gulong-Gulo Aqua!

1529 Words

Hindi namalayan ni Aqua nakarating na pala sa Siyudad. Sinundo sila ng kotse nina Hiro sa private landing area ng pamilya nito. Idinaan din nila si Shiela sa kanilang bahay at personal na nilang inihatid ang dalaga. Pagkatapos ng ilang sandali ay nakarating na sina Aqua sa Mansyon. "Oh, I miss home!' bulalas ni Logan sabay inat. "How are you my home?" Parang tanga lang ding wika ni Adrian. Napangiti naman si Aqua at napailing-iling. Inunahan pa niya ang dalawa na pumasok sa loob ng Mansyon. Siya na din ang bumitbit sa kanyang mga gamit at hindi na niya hinintay pa ang mga katulong. Bagay na talagang ayaw niya hanggat kaya naman niya ang kanyang sarili. Agad na nagpalit ng damit si Aqua at hinanap ang kanyang Mama. Nais niyang iparating dito ang mga bilin nina Lolo Delfin at Lola Desta.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD