Parang mas lumala ang pagkatamlay ni Aqua kinabukasan. Hindi na niya talaga maintindihan ang nangyayari sa kanyang sarili. Kaya napagpasyahan niyang pumunta ng simbahan at saka niya dadalawin ang puntod ng kanyang Papa. Baka kasi dinadalaw siya kaya nagkakaganoon ang kanyang katawan. Ngunit bakit tungkol naman kay Hiro ang dahilan minsan ng kanyang pananamlay? Ano ba talaga ang gustong ipahiwatig ng kanyang sarili ng dahil kat Hiro? "Where are you going?" tanong ni Adrian sa dalaga nang magkasalubong na sila sa sala. Busy na ulit ang mga ito kaya madalang na naman silang nagkaka-usap. "Sa Church pagkatapos dadalawin ko ang puntod ni Papa." Sagot ni Aqua. Natitigan naman nang mabuti ni Adrian si Aqua. "Bakit?" naasiwang tanong ng dalaga. "You look pale, are you okay? Pa-check up ka na