Napasinghap si Aqua nang nakasalubong niya si Hiro. Kadarating lang niya galing kina Shiela dahil doon siya nagpalamig ng kanyanh ulo. Inagahan niya ang kanyang uwi umaasa na wala pang masyadong gising sa Mansyon even ang kanyang Mama. Pero nagkamali yata siya ng akala, maaga siyang dumating pero mas maaga palang nagising si Hiro. "Hindi ka natulog dito sa bahay? Where have you been?" tanong agad ni Hiro. Napakunot-noo naman si Aqua dahil hindi niya inaasahang mauunang iimik si Hiro kaysa sa kanya kagaya ng dati. Napabuga naman ng hangin si Aqua at humugot ng hininga. "Hindi ako dito natulog. Malawak kasi ang Mansyon kaya hindi mo agad napansin, anyway nagpaalam naman ako kay Mama." Matamlay niyang sagot. "Where did you sleep then?" tanong ulit ni Hiro. "Sa bahay ng best friend ko," t