C-20: Selos na selos yarn?

1478 Words
At dahil pakiramdam ni Aqua ang pagkayamot ni Hiro sa kanya ay nagpaalam na itong uuwi na. Paano ba naman kasi ay tinulugan ito ng binata habang siya ay dada ng dada. Palabas pa lamang sana si Aqua bitbit ang basket na pinaglagyan niya ng mga pagkain ay siya namang biglang bukas ng pinto. Siyempre gulat siya, gulat si Hiro at mas gulat ang dumating. "What is the meaning of this?" nag-aapoy ang mga mata ni Tamara habang pinaglipat-lipat nito ang tingin kina Hiro at Aqua. "Mali ka ng iniisip, huwag kang judgemental!" mabilis na sagot ni Aqua. "At anong gusto mong isipin ko ha?" Nakataas ang isang kilay ni Tamara habang naka- pameywang. "Aba, bahala ka kung anong gusto mong isipin. Sa katunayan nga paalis na ako bigla kang dumating!" Turan ni Aqua. Napangisi naman si Tamara. "Paalis ka na o natunugan mo ang aking pagdating? Para hindi ko maaktuhan iyang kalandian mo!" Anito. Nanlaki naman ang mga mata ni Aqua. "Ako malandi? Sinong nilalandi ko si Hiro? Ang dumi naman ng utak mo," wika niya sabay iling. "Alangan namang iyang kama at kumot ni Hiro ang nilalandi mo. Sinasabi ko na nga ba at may nililihim kayong dalawa!" Tungayaw ulit ni Tamara. Napapikit naman nang mariin si Hiro. "Will you shut up, Tamara? You're doing it again," sabad ni Hiro. Marahas namang tumingin si Tamara kay Hiro. "At anong gusto mong isipin ko? Na naglalaro lang kayo dito?" may hinanakit sa boses ng dalaga. Napangiwi naman si Aqua at hindi niya makayanang saksihan ang mga walang kabuluhang mga bagay tulad ng trantums ni Tamara. "Why did you come here and bluff those ridiculous speculations of yours? My God, Tamara I'm tired of your childish behavior!" Galit na si Hiro. Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa kanilang tatlo. "Mauna na ako, get well Kuya!" si Aqua ang unang bumasag sa katahimikang iyon saka mabilis na lumabas ng kwarto. Subalit hindi pa man nakakalayo si Aqua ay dumagundong na ang boses ni Tamara na sumunod pala sa dalaga. "I'm not finished yet, you slut!" sigaw ng dalaga. Napahinto naman si Aqua, nagpanting ang tainga niya sa itinawag ni Tamara sa kanya. Marahas siyang humarap sa dalaga at mabilis niya itong nilapitan. "Anong itinawag mo sa akin?" magkasalubong ang mga kilay na tanong niya kay Tamara. Napangisi naman si Tamara. "Bakit, masakit ba?" Tanong din nito. Isang nakakabinging sampal ang natanggap ni Tamara mula kay Aqua. At hindi niya iyon inaasahan nanginginig ang mga kamay nitong sinapo ang sariling pisngi. "Malaki ang respeto ko sa mga karespe- respetong tao. At hindi ako pumapatol unless sinaktan mo ako. Dinaig pa ng physical na sakit ang sinabi mo sa akin alam mo ba iyon?" naniningkit ang mga mata ni Aqua sa galit. "Walang hiya kaaaa!" galit na sigaw ni Tamara at susugurin na sana nito ang dalaga. "Stop that!" sigaw naman ni Hiro na nakalabas na pala ng kwarto. Na-freeze ang kamay ni Tamara sa ere na pang- sampal din sana nito kay Aqua. "She hit me! She slapped me!!" Mabilis na sumbong ni Tamara kay Hiro. "Ikaw ba naman ang tawaging slut hindi ba iyon masakit?" galit na sabi naman ni Aqua. "You two stop this! Nakakahiya kayong dalawa," nagngangalaiting sagot ni Hiro. Saka lang napagtanto ni Aqua ang dami na palang tao na nakapaligid sa kanila ni Tamara. Ang tahimik kanina at parang walang tao biglang dagsa sa eksena ng dalawang dalaga. "Pauwi na ako, humabol pa siya at tinawag akong slut. Sinong hindi ma gagalit?" giit pa din ni Aqua. "Because you're a slut naman talaga! Mang- aagaw ng may boyfriend!" Tungayaw ni Tamara. "I said, tumigil na kayo!" sigaw na ni Hiro. Natahimik sina Aqua at Tamara na nagka-irapan pa. "Ganyan na ba kababa ang mga dignidad niyo and even in public you're making a scene? Para kayong hindi nag- aral, dinaig niyo pa ang mga asal kalye sa daan!" Sermon pa din ni Hiro. "Oo! Asal kalye na kung asal kalye, itawag mo na lahat ng mababang uri sa pag- uugali meron ako. Pero, hinding-hindi ko hahayaang basta na lamang akong kukutyain sa hindi ko naman ginawa. Palagi kong sinasabi basta nasa katwiran ako, ipaglalaban ko ang aking karapatan. Kahit sino pang poncho pilato ang umaapi sa akin. Hindi ako katulad ng ibang anak mahirap na hinahayaang tapak- tapakan lang ng mayayamang tao katulad niyo!" Tuluyan nang sumabog si Aqua. Hindi na yata sila mabibigyan ni Hiro ng pagkakataong mag-kasundo ng ilang araw man lang. Kakatapos lang ang bangayan nila, peace na ulit sila at heto na naman ang kanilang alitan. Paepal kasi si Tamara na napaka-dumi ng isipan. Dahil sa mga sinabi ni Aqua ay hindi nakapagsalita si Hiro. Bagkus ay tumingin ito kay Tamara. "Will you stay away from me Tamara? You're making things worse!" Mariing wika ng binata. "Pero-" "Bingi ka ba? Go away!" Singhal ni Hiro. Napapitlag pa si Tamara sa lakas ng bulyaw ni Hiro sa kanya. Agad namang nag-walk out si Aqua hinayaan na lamang niya ang dalawa. Wala na siyang pakialam basta nailabas na niya ang kanyang saloobin ukol sa ginawa ni Tamara. Hinding-hindi niya babaliin ang kanyang rules sa buhay para lamang makisama sa mga kagaya nina Tamara at Hiro, never! Dumiretso si Aqua kina Shiela at hindi na niya alam kung ano na ang nangyari sa pagitan nina Hiro at Tamara sa hospital. "Grabe pala ang ugali ng gurang na iyon?" bulalas ni Shiela pagkatapos nitong mapakinggan ang kwento ni Aqua. "Nagulat nga ako! Pinagseselosan pala niya ako at pinag- aawayan nila akong dalawa!" Turan ni Aqua habang hilot- hilot ang sariling sentido. "Sino ba naman kasi ang hindi mai- insecure sa beauty mong pang- Miss Universe girl!" Nakatawang wika ni Shiela. Pagak namang tumawa si Aqua. "Binola mo na naman ako. Dito ako matutulog, alam ko may mga damit pa ako dito." Aniya. "Ay, no problem safe and secured mga gamit mo dito sa bahay. Stay here as long as you want beshy!" maarteng sabi ni Shiela. "Luka- luka! Ayoko pa kasing umuwi, sinisilaban pa ako ng apoy baka magkalat ako doon." Turan ni Aqua. "Okay! Basta, magpaalam ka kay Tita Alona para hindi siya mag-aalala ha?" masaya namang tugon ni Shiela. "No worries," matabang na na sagot ni Aqua sabay labas sa selpon nito at nag- dial. Nakailang ulit na kasi siyang natulog kina Shiela. Ganoon din si Shiela sa dati nilang bahay. Hindi lang sila matalik na mag- kaibigan, para na din silang tunay na magkapatid. Kaya alam ni Aqua na papayagan siya ng kanyang Mama sa gabing iyon. Ayaw muna talaga niyang umuwi dahil sa pangyayari sa hospital kanina. As in nagulat talaga siya dahil pinag- aawayan pala siya nina Hiro at Tamara. At ayon sa kanyang na-obserbahan mukhang hiwalay na ang dalawa. Hindi kaya siya din ang dahilan ng hiwalayang Hiro at Tamara? Aba, pakialam niya! Nanahimik siyang tao at idadamay siya sa sitwasyong wala naman siyang kaalam- alam? Neknek nilang dalawa! Mga salita ni Aqua sa isipan nito bago nagpasyang kalimutan na lamang ang nangyari kanina. "Binisita ka ba ni Aqua kaninang umaga?" tanong ni Logan kay Hiro nang alalayan niya ang kapatid na makaupo sa sofa. Gabi na na- discharged ang binata. Pinaubos kasi ni Dok ang suwero nito, nagkaroon ng binata ng matinding acid reflux plus gastritis. Mabuti na lamang at naagapan walang kinalaman ang kinain nila ni Aqua. Dahil siguro sa nalilipasan siya palagi ng gutom, he's been very workaholic since then. At ito na siguro ang bunga ng kanyang pagiging sobrang workaholic. Sinisingil na siya ng kanyang sarili, at dumagdag pa ang eksena kanina sa hospital. "Are you listening to me, Kuya?" untag ni Logan sa kapatid. "Ha?! Yeah," tanging nasagot ni Hiro. "Mukhang lutang ka, may nangyari ba sa hospital bago ka umuwi dito?" muling tanong ni Logan. Napasandal naman si Hiro sa upuan at napapikit sabay hilot sa sariling sentido. Nanlaki naman ang mga mata ni Logan at tumabi sa kapatid. Bigla tuloy itong na- curious at nagka- interes kung ano ba ang nangyari kay Hiro bago ito umuwi ng Mansyon. "What the...mayroon ngang nangyari!" Bulalas ng binata. "Not now, Logan! I'm a little bit unwell mamaya na lang gusto ko ng magpahinga," pag- iwas ni Hiro. Nadismaya naman si Logan. "Sige! Basta mamaya ha?" anito. "Yeah.. Mauna na ako sa kwarto ko," "Hindi ka ba kakain?" "Katukin mo na lang ako kapag nakahain na sila." Matamlay na sagot ni Hiro at pumanhik na ito sa mahabang hagdan. "Okay, sinabi mo eh!" Tugon naman ni Logan habang napapaisip kung ano ba ang nangyari sa kapatid bago ito umuwi ng Mansyon. Mukha kasing apektado si Hiro, ayon sa nakikita ni Logan na kilos ng kapatid. Kaya mas lalo tuloy napaisip si Logan kumbaga sa reporter, big scoop iyon sa media. Hindi bale at malalaman din niya mamaya ang tunay na nangyari kay Hiro bago lumabas ng hospital.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD