C-19: Ano, Hiro kaya pa ba?

1531 Words
Daig pa ni Aqua ang nanalo sa paligsahan. Ang saya niya sa gabing iyon ay maihahalintulad sa pagkapanalo niya sa isang lotto worth a million. At para na din siyang tanga na kakalabas lang galing sa mental dahil tawa siya ng tawa. Papaano ba naman kasi ay hindi niya maiwasang sumaya sa tuwing naalala niya ang food trip nila ni Hiro kagabi. Naroong humantong pa sa sukaan ang ginawa ni Hiro ikaw ba naman ang malinlang sa kinaing barbeque. Hindi alam ni Aqua na ganoon katanga ang binata sa kinain nitong barbecue which is puwet ng manok. Natiis ni Hiro ang paa ng manok, isaw ng manok, isaw ng baboy balun- balunan, at iba pang street foods. Pero ang puwet ng manok, saka lng sinabi ni Aqua na puwet ng manok iyon nang malulon na ng binata. Kaya ang ending, todo suka si Hiro with matching laway at luha sa mga mata nito. At hanggang sa pag-uwi nila ay maduwal- duwal pa si Hiro hindi alam ni Aqua kung nakatulog ba ito ng maayos. Basta siya, mahimbing ang kanyang tulog bukod sa busog siya dahil cravings satisfied siya, nawala na din ang kanyang hinanakit sa binata. "Good morning guys!" Masayang bati ni Aqua kina Adrian at Logan nang makita niya ang mga ito. Namilog naman ang mga mata ng magkapatid, hindi makapaniwalang balik sigla na si Aqua. "Magaling ka na? Hindi ka na stressed?" tanong ni Logan. "Hmmm...medyo stressed pa ako pero okay na ang aking pakiramdam!" nakangiting sagot ni Aqua. "Ang saya mo ngayon ah!" pansin naman ni Adrian. "Ilang araw din kasi akong lonely guys kaya heto balik saya na ako." Turan naman ng dalaga. "Mabuti naman kung ganoon grabe ang pag-aalala ni Tita sa'yo eh!" sabi naman ni Logan. "Ganoon ba? Ang Kuya niyo nasaan?" wika ni Aqua nagmamaang- maangan pa siya kunwari. "Naku, nasa hospital!" Magkasabay na sagot ng dalawang binata. Nanlaki naman ang mga mata ni Aqua sa narinig. "Ha?! Bakit?" bulalas niya. "He said, masama ang kanyang pakiramdam lalo na ang kanyang tiyan. He even vomiting makes him weak," paliwanag ni Adrian. "Ganoon ba? Kailan niyo siya dadalawin?" tanong naman ni Aqua medyo nagi- guilty siya sa nangyari kay Hiro. "Mamayang hapon pa pero you can visit him now if you want." Si Logan ang sumagot. "Ano ba kasi ang kinain niyo last night?" curious namang tanong ni Adrian. "Ahm.. street foods lang naman!" honest n sagot ng dalaga. "What kinds of street foods? He's allergic to kikiam and fishball. He didn't want puwet ng manok either!" nakangising wika ni Logan. "Wait...sinisisi niyo ba ako? Siya ang nagyaya at hindi niya sinabing allergies siya sa kikiam at fishball. Kasalanan ko bang take siya ng take even puwet ng manok?" Katwiran ni Aqua. Nagkatinginan naman sina Logan at Adrian saka muling tumingin kay Aqua. " We told him kasi na you like street foods gusto niyang mag-sorry sa nasabi niya sa'yo. We asked Tita what is your favorite food then she said street foods. Then, we suggested that he will treat you there. We didn't know naman na pinakin mo siya ng ganoon. Siguro para hindi ka ma- offended sa peace offering niya sa'yo he takes the risk that's why." Saad ni Adrian. Nakagat naman ni Aqua ang sarili bibig, mas lalo tuloy siyang na- guilty. Iyong nagsasaya siya at nabubunyi tapos na- hospital pala ang taong akala niya nagantihan na niya. "Sorry hindi ko naman alam," kiming sabi ni Aqua. "That's why you can visit him and bring his favorite food." Suggestion naman ni Logan. Biglang lumiwanag ang mukha ni Aqua. "Talaga?!" Paniniyak niya. "Oo naman para hindi na magkaroon ng gap between you and him. For sure naman, palalampasin ni Kuya ang nangyari since siya ang nag-insist para makakain kayo doon." Sabi naman ni Adrian. "Oo sige! Thank you saka sorry ulit," tugon ni Aqua sabay tanong kung ano ba ang pinaka-paboritong pagkain o kahit meryenda ni Hiro. Agad namang sinabi ng magkakapatid ang alam nilang paboritong pagkain ng kanilang Kuya Hiroshi. Agad namang tumalima si Aqua para mai- handa na ang kanyang dadalhin para sa binata. At para na rin makagayak na siya sa pagdalaw kay Hiro. Subalit bago ang lahat ng iyon ay tinawagan muna niya sina Shiela at Winnie na hindi matutuloy ang kanilang bonding sa Sabadong iyon. Next time na lang silang magba- bonding na talo maraming sabado pa naman. "Ano bang dahilan at bakit hindi tayo matutuloy?" Curious naman si Shiela sa kabilanb linya. "Ah..basta! Saka ko na iku- kwento sa'yo okay?" Giit naman ni Aqua. "Saan ka ba pupuntaha ha?" Pangungulit ni Shiela. "Papatayin ko na itong tawag ko ang kulit mo!" "May date ka ba? Sino 'yan si Ford?" Kulit pa din ni Shiela. Napaikot na lamang ni Aqua ang kanyanh mga mata sabay pindot sa end call ng kanyang selpon. "Ang kulit talaga!" bulong niya sa sarili kapagkuwan ay binitbit na niya ang kanyang dadalhin kay Hiro. Nagpahatid siya sa family driver nina Hiro tutal ay alam naman nito kung saang hospital naroon ang binata. Ilang sandali pa at nakarating na si Aqua sa private hospital. Nalula siya sa lawak at laki ng hospital kaya sumakay siya ng elevator iwas ligaw. Kahit na nahihilo siyang sumakay ay ginoranl niya pa rin. Ilang minuto pa at nasa harapan na siya ng kwartong kinaroroonan ni Hiro. Kumatok muna siya bago tuluyang pumasok kahit wala pang sumagot. "Hello!" Agad na bati ni Aqua kay Hiro nang makapasok na ang dalaga. "What are you doing here?"naka- kunot noong tanong ni Hiro. Inilapag naman ni Aqua ang dala niyang basket sa mesa saka muling humarap sa binata. Umupo siya sa upuang malapit kay Hiro. "Dinadalaw kita masama ba?" tanong naman ni Aqua. "You're not supposed to be here!" Malamig na sagot ng binata. Pero binalewala lang ni Aqua ang cold treatment ni Hiro sa kanya. "Nalaman ko kasing na-hospital ka dahil ginawa natin kagabi." Ani ng dalaga. "Wala tayong ginawa kagabi," bale- walang tugon ni Hiro at muling tumingin sa hawak na book. Natawa naman si Aqua. "May pagka- green minded ka din ano? Sorry na, hindi ko naman alam na may allergies ka sa mga street foods. Hindi mo naman kasi sinabi sa akin," paliwanag nito. Tumingin muli si Hiro kay Aqua. "I told you hindi ako kumakain ng street foods pero mapilit ka. I ate thoses just not to offended you. Para naman masabi mong I'm serious for saying sorry." Wika nito. Napabuga naman nang hangin si Aqua. "Kaya nga narito din ako humihingi ng sorry din," "Saan mo nalaman?" Magkasalubong ang mga kilay na tanong ni Hiro. "Kanino pa ba? Eh..kina Logan at Adrian!" "Those idiots!" Agad na bulong ni Hiro. "Ano kamo?" Tanong naman ni Aqua. "Nothing!" patay malisyang sagot ni Hiro at muling nagbasa ng libro. "Dinalhan kita ng paborito mong pagkain," wika naman ni Aqua kinalaunan. "What?! No way! Baka kung ano- ano na naman ang nilagay mo diyan," tanggi agad ng binata. "Hoy, hindi ako mangkukulam para lagyan ng kung ano- ano ang dala kong pagkain para sa'yo! Pinaghirapan ko iyan na ginawa saka anong mapapala ko kung sakaling nilagyan ko ng kung ano- ano ang pagkain mo aber?" Talak agad ni Aqua. "Who knows!" Hiro's shoulders shrugged. Napataas naman ang isang kilay ni Aqua dahil sa inis. "Ikaw na nga itong pinag- mamalasakitan ang dumi pa ng utak mo hmmpp!" reklamo ni Aqua sabay halukipkip. Hindi umimik si Hiro. Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan ng dalawa. "Ano ba 'yan?" tanong ni Hiro kapagkuwan. "Beef steak at saka fruit salad, graham with mango filling. It's Aqua 's food expert!" may pagmamayabang na turan ng dalaga. Napaismid naman si Hiro. "Wala bang kahit pekeng thank you diyan?" tanong naman ng dalaga. "Thanks!" matipid na sagot ni Hiro. "Alam mo, ang boring mong kausap ang tipid mong sumagot." "This is me, hindi ako kagaya ng iba na dala- dala na yata ang ingay ng palengke." Tugon ni Hiro. Nasamid naman si Aqua. "Tikman mo na dali," sabi na lamang ng dalaga. Ang tingin ni Hiro kay Aqua bago nito kinuha ang mga pagkaing nasa plastik bowl na may takip. Alanganing susubo ang binata dahil nakatingin si Aqua. "Sige na, nahihiya ka pa eh! Ako lang ito oh!' sulsol naman ng dalawa. Napabuntonghininga naman sumi Hiro sabay subo. Kapagkuwan ay isa- isang tinikman lahat ni Hiro abg mga dala ni Aqua. "Say something naman! Ano, masarap ba, matabang or what?" Hindi nakatiis na sabi ni Aqua. "Okay naman!" tumatango- tangong sagot ni Hiro saka nito tinakpan ang mga pagkain. "Ayaw mo na? Bakit hindi mo ubusin mga iyan?" malungkot na tanong ni Aqua. "Sira ka ba? Gusto mo akong ma-impatso nagpapagaling pa lang ako?" angal naman agad ni Hiro. "Sorry naman hindi ko naisip!" nakasimangot na turan ni Aqua. Napapikit na lamang si Hiro. "Ilang minuto ka pa lang na narito naririndi na ako." Anito. "Ano gusto mo senyasan tayo?" nakangising tanong ni Aqua. "Arghhh!" bulalas ni Hiro sabay talukbong ng kanyang kumot. Lihim namang napahagikhik si Aqua, pakiramdam niya ay nanalo na naman siya. Ganoon pala ang feeling kapag nakita mong pikon na pikon ang taong lagi mong kabangayan sa lahat ng mga bagay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD