C-18: Peace offering

1545 Words
Hindi maganda ang two days ni Aqua sa kanyang school days. Nakaka-pressure and yet nakaka-drained. "Pansin ko anak, palagi kang matamlay. Ni hindi ka nakikisabay sa pagkain, palagi kang nagmamadali. May problema ka ba?" tanong ni Alona nang matiyempuhan ang anak isang umaga. "Busy lang po sa school," walang ganang sagot ni Aqua sabay kagat sa sandwich at inom ng gatas. "Alam kong mabigat ang schedule ng isang Nursing student lalo pa at graduating ka na. Pero, easy lang mag-unwind ka din." Payo ng Ginang. "Gustuhin ko man 'Ma, hindi ko magawa. Toxic na nga sa school, pati na environment. Kahit saan po toxic papaano ako mag-unwind?" Saad ni Aqua. Gulat si Aling Alona. "Pati ba dito sa bahay anak?" tanong nito. Hindi umimik si Aqua. "Pasok na po ako," bagkus ay iyon ang isinagot ng dalaga. "Sandali lang anak, mag-usap nga tayo? May problema ka ba na ayaw mong sabihin sa akin? Sa school ba o dito sa bahay? Hindi ka pa ba nakaka-adjust?" nag-aalalang tanong ng Ginang. "Late na po ako," pag-iwas ni Aqua. Bumuntonghininga naman si Aling Alona at tinitigan ang anak. "Sino bang hindi mo kasundo sa school at dito sa bahay? Sabihin mo sa akin at baka makatulong ako anak." Pangungulit pa ng Ginang. Sasagot sana si Aqua subalit siya namang pagdating ni Hiro na nakabihis. "Sige po, papasok na ako. Okay lang po ako huwag kayong mag-aalala," mabilis na turan ng dalaga at hinagkan na niya ang pisngi ng kanyang Mama. Malungkot na tinanaw ni Aling Alona ang papalayong anak. Pagkaharap niya kay Hiro ay nginitian niya ang binata at binati ng magandang umaga. "Kumain ka na muna bago ka umalis," wika ni Aling Alona. "Salamat po," sagot ni Hiro at nagsimula na itong kumain. Inasikaso naman ni Alona si Hiro ganoon din nang dumating sina Logan at Adrian. "Si Aqua po?" tanong ni Logan nang mapansing hindi na naman nila kasabay ang dalaga. "Busy daw sa school eh! Kaya palaging nagmamadali, tinatanong ko nga kung may problema siya ang sabi okay lang daw siya. Nag-aalala ako, malihim ang batang iyon hindi ito gaanonh nagsasabi sa akin," turan ni Aling Alona. "Pansin ko nga po palagi siyang matamlay, hindi kaya may sakit siya?" wika naman ni Adrian. Napatikhim naman si Hiro. "I will ask her Tita para sa inyo," anito. "Wow! As in magsasabi siya sa'yo, kay Tita nga ayaw niyang mag-open up." Tugon ni Adrian. "Why not, malay mo?" sabi naman ni Logan. Natuwa naman si Aling Alona sa nakikita nito sa tatlo. Mukhang nagmamalasakit ang mga ito sa kanyang unica hija. "Salamat sa inyo pero huwag na. Ako na lang ang bahala sa aking anak since ako ang kanyang Nanay." Masayang turan ni Aling Alona. "Basta po, try namin Tita." Magkasabay na sabi nina Logan at Adrian. Tango na lang din ang tanging nagawa ni Hiro. Somehow kasi ay inuusig naman siya ng kanyang konsensya kahit papaano. At baka, ang bangayan nila ni Aqua last week ang isa sa dahilan ng pagiging matamlay ng dalaga. He should have to apologize to Aqua para naman mawala ang guilt na nararamdaman niya. "Palagi kang sad, ang daldal mo dati." Wika ng isang boses na nagpauntag sa naglalakbay na ispan ni Aqua. Paglingon niya, si Winnie ang biktima ng bully last week. Medyo, nakikisalamuha na ang dalaga dahil tahimik ang campus. Suspended pa kasi ang mga nagpapalaganap ng lagim sa kanilang school. "Anong problema?" Tanong ni Winne nang makaupo na ito sa tabi ni Aqua. "Wala. May iniisip lang ako saka medyo pressure ako kasi mahirap na mga task naming Nursing. Alam mo na, graduating na kasi kami," sagot ni Aqua. "Buti ka pa, matatapos na ang pagsusunog mo ng kilay." Turan ni Winnie, kumukuha ito ng titser. "Ano ka ba, susunod ka din dalawang taon pa nga lang ang bubunuin mo. Basta, focus ka lang sa iyong pag-aaral at huwag sa iba hindi mo mamamalayang makakatapos ka." Saad ni Aqua sabay akbay sa dalaga. Totoo naman kasing hectic ang schedule nilang mga Nursing. Idagdag pa ang mga nagpapakulo ng kanyang dugo kaya nagkakasabay- sabay na. Pero, ang isa pa sa totoo ay talagang medyo dinibdib niya ang itinawag ni Hiro sa kanila ng kanyang Mama last week. Masakit kayang tawaging second hand kahit pa ni- legal na sila ng asawa ng kanyang Mama. "Pero, Ate iba ang lungkot mo nakikita sa iyong mga mata." Giit naman ni Winnie. Natawa naman nang pagak si Aqua. "Ikaw, napaka- keen observer mo ah! At dahil diyan, sama ka sa bonding namin ng best friend ko sa Sabado." Aniya. "Talaga?!" Nangningning ang mga matang bulalas ni Winnie. "Oo! Kaya, welcome sa club namin este sa friendship pala!" pagbibiro ni Aqua. Sabay silang napahagikhik ni Winnie sabay apir. "Dito din ba siya nag- aaral Ate?" Kapagkuwan ay tanong ni Winnie. "Hindi. Naiwan ko siya sa public school, saka hindi ba sabi ko sa'yo huwag mo na akong tawaging Ate hmmm?" Natawa naman ulit si Winnie. "Sorry na! Sige, paghahandaan ko ang Sabado excited din akong makilala ang best friend mo!" Aniya. "Okay, tatawagan na lang kita. Tara na, pasok na tayo sa ating mga classroom bell na." Tugon naman ni Aqua at tumayo na ito. Masaya ding tumayo si Winnie at nagkangitian silang dalawa. Kapagkuwan ay kanya- kanya na ng direksyon ang mga ito patungo sa kanilang course building. Kahit papaano ay naging masaya naman si Aqua dahil sa wakas may maituturing na din siyang kaibigan sa private school na kanyang pinapasukan. Kinahapunan. Napahinto si Aqua sa paglapit nito sa sasakyang sundo niya. Naroon kasi si Hiro na nakasandal at mukhang hinihintay siya. "Ano naman kaya ang pag-aawayan naming dalawa?" bulong ni Aqua sa kanyang sarili. Kapagkuwan ay nagpatuloy na ito sa paglalakad papalapit sa sasakyan. "May sakit si Mang Tomas kaya ako muna ang driver mo." Walang emosyong sabi ni Hiro sabay bukas sa pinto ng sasakyan. "Pakialam ko hmmpp!" Sabi naman ni Aqua pero sa kanyang isipan lamang. Tahimik siyang lumuluan ng kotse. "Fasten your seatbelt," malamig na sabi pa ni Hiro. Kumilos naman si Aqua pero hindi pa siya nagsasalita. "Galit ka pa ba sa sinabi ko last week?" Tanong kinalaunan ni Hiro. Bumuntonghininga naman si Aqua. "So, iyon pala ang problema mo kung ganoon?" muling sabi ni Hiro. "May sinabi ba ako?" sa wakas ay sumagot na din si Aqua. "Silence means yes," wika ni Hiro na sinipat pa nito si Aqua sa rear mirror. "Hectic lang ang schedule ko, marami kaming ginagawa at pahirapan pa." Paliwanag ni Aqua. "About sa nasabi ko last week iba ang pagkakaintindi mo siguro. To make you feel better and happy, accept my apologies. I'm sorry!" Kagyat na katahimikan ang namagitan kina Aqua at Hiro. "Sincere ba 'yang sorry mo?" tanong naman kinalaunan ni Aqua. "What will I do to believe me?" "Saka, may lisensya ka na ba at ikaw ang nagmamaneho ngayon?" "I'm matured enough, Aqua! Of course, I have a license." Napahalukipkip naman si Aqua at nanulis ang nguso nito. "Ano? Apologies accepted na ba?" tanong naman ni Hiro. "Pag- iisipan ko," walang gatol na sagot ni Aqua na- hurt talaga siya day! Biglang hinto naman ang sasakyan na ikinagulat ni Aqua. "Bakit ka huminto? Anong gagawin mo sa akin? Sinasabi ko na nga ba, nagbabait- baitan ka lang pero may binabalak kang masama sa akin!" tungayaw ni Aqua. Napapikit naman si Hiro at napabuga nang hangin. "Look around you! We are here sa street foods huwag kang OA!" Anito. Natigil naman si Aqua at tumingin mga siya sa paligid. Nasa ihawan pala sila, mga nagbebenta ng street foods. Bigla tuloy siyang natakam, hindi na niya tanda kung kailan siya tumambay sa mga ganoong lugar. "Hindi ba paborito mo ang street foods? Well, it's my treat eat all you can!" Untag naman ni Hiro sa dalaga. "So, ito ang peace offering mo sa akin?" tanong din ni Aqua. "Puwede na ba ito? Or, I will treat you sa five star hotel?" tanong na naman ni Hiro. "Okay na ito sa akin basta kakain ka din," nakangising turan ni Aqua. Bigla tuloy siyang nagka- idea para naman kahit papaano ay makaganti man lang siya kay Hiro. Lintik lang ang walang ganti ano? "Wohhh! No, but thanks!" Mabilis na tanggi ni Hiro. "Ayaw mo? Ayaw ko na rin," nagtatampong sagot ni Aqua. "Okay, sa restaurant na lang tayo!" Biglang yaya ni Hiro. "Ayoko! Dito ang gusto ko, kung ayaw mo kahit hindi na tayo magbati!" pagmamatigas ni Aqua. Napabuntonghininga naman si Hiro wala itong imik na bumaba ng sasakyan. "Ako ang pipili ng kakainim natin!" Masayang sabi ni Aqua habang papalapit sila sa nagtitinda. "Hindi ako kumakain ng street foods," diretsong sagot ni Hiro. "Puwes, kakain ka ngayon. Tutal, ikaw ang nag - insist na ilibre mo ako dito ngayon." Abot tainga ang ngiti ni Aqua. Wala ng nagawa pa si Hiro, napapailing - iling na lamang ang binata. Naisip nitong napasubo yata siya sa paraan niya ng pakikipag- bati kay Aqua. Sana ay sa restaurant na lang niya ito niyaya. Kung dangan kasi sina Logan at Adrian ay nag- suggest pa ang mga ito ng paborito ni Aqua since alam nilang comfort ng dalaga ang mga paborito nitong pagkain. Tuloy, mapapasubo siya at mapapa- kain ng hindi oras sa hindi niya nakasanayang pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD