Napapailing si Aqua nang mamataan niya ang isang estudyanteng binu- bully ng ilan. Kadarating niya lang sa school at iyon ang unang bumungad sa kanya. Honestly, pinaka- hate niya ang mga bullies sobrang pinagtatanggol niya ang mga binu- bully.
"Don't you dare to interfere with them," babala ng isang boses.
Nagsalubong ang mga kilay ni Aqua na lumingon sa kanyang likuran.
"Are you stalking me or following me?" Angal ng dalaga.
Nakapamulsa si Hiro na nakatingin kay Aqua at nakakiling pa ang ulo nito.
"I'm the top board director of this school, and we have a meeting. Kaya huwag kang feelingera,"
Napabuga naman ng hangin si Aqua at muling tumingin sa mga estudyante.
"Are you tolerating this kind of behavior? Kawawa naman ang nabu- bully na estudyante. Nabi- build nito ang lost of confidence, self- esteem and worst depression. Baka,, bukas makalawa mababalita na lang na nagpaka- matay na siya." Saad ni Aqua.
"Actually, iyan ang topic namin ngayon. So, stay out of it okay? And please, stay out of trouble." Giit naman ni Hiro.
Muling lumingon si Aqua kay Hiro.
"And what if I do and I will?" Aniya.
"You're not a hero and besides, transferee ka lang dito."
Ngumisi naman si Aqua.
"Walang pinipiling lugar ang pagtulong, basta nasa tama ka lang. And I can't stand na makikitang may naaapi dahil lang hindi niya maipaglaban ang kanyang sarili." Sabi pa niya.
"Hayaan mo siyang tumayo sa kanyang sariling mga paa. Kailan pa siya lalaban kung may tutulong naman?" pigil naman ni Hiro.
Napapalatak naman ang dalaga saka napailing-iling.
"That's stupid thoughts!" bulalas niya at mabilis na humakbang patungo sa kinaroroonan ng kanyang mga tinutukoy.
"Aqua!" tawag naman ni Hiro.
Subalit hindi tumigil si Aqua tuloy-tuloy nitong pinuntahan ang mga estudyanteng nambu- bully ng kanilang kapwa.
"Stop that!" sigaw ni Aqua nang makalapit na siya.
Napahinto ang mga nambu- bully sa gulat at iisang tumingin kay Aqua. Napakunot-noo naman si Aqua nang makilala ang mga nambu-bully. What the heck? Ang mga inggrata niyang classmates?
"Wala talaga kayong magagawang matino ano?" nakapameywang na tanong ni Aqua.
Ngumisi naman si Lily, ang nakasagutan niya first day ng kanyang school.
"Who are you ba? Sampid ka lang naman dito sa school and don't say it na back up mo si Sir Hiroshi. Dahil hindi kita uurungan period!" mataray na sagot ni Lily.
Tumaas naman ang isang kilay ni Aqua saka napaismid.
"Bakit, hindi ka din naman katakot- takot ah? Tingnan mo dahil sa sobrang duwag mo nagsama ka pa ng mga alipores mo. Saka, my God sophomore lang itong inaapi mo oh! Samantalang ikaw malapit ka ng tawaging Tita," sermon niya.
Lumaki- laki naman ang mga butas ng ilong ni Lily. At naningkit pa ang mga mata nitong tumitig kay Aqua.
"You...cheap transferee! Gusto mo bang basagin namin iyang pagmumukha mo kagaya nitong inililigtas mo ha?" duro ni Lily kay Aqua.
Agad namang tinabig ni Aqua ang kamay ni Lily na nakaduro sa kanyang mukha. Kamuntikan pang matumba si Lily dahil sa lakas ni Aqua.
"Huwag mo akong dinuduro dahil hindi mo ako pinapakain maliwanag ba?" mariing wika ni Aqua.
"Stupida! Nanghahamon ka talaga ng away ha? Tingnan natin!" galit na sigaw ni Lily at akma na nitong susugurin si Aqua na nakahanda naman na sa labanang magaganap.
"Stop!" maawtoridad ang boses ng nagpatigil kay Lily.
And it was Hiroshi kahit lingunin ni Aqua. Akala ng dalaga ay umalis na ang binata pagkatapos niya itong hindi sundin kanina. Nanlaki naman ang mga mata ni Lily nang makita si Hiroshi kaya agad nitong ibinaba ang kanyang kamay.
"Siya po kasi ang nanguna, Sir! At dahil diyan, I want her to be expelled in this school." Agad na paliwanag ni Lily.
Napapalatak naman si Hiro.
"I saw everything, and I want your parents all of you to be here today." Anito.
Nanlaki naman ang mga mata nina Lily sabay tutop ng kanilang mga bibig.
"But, Sir we're just trying to help her! And then, Aqua came to interfere." Muling paliwanag ni Lily.
"I don't tolerate such behavior like lying and bullying. Hindi porke't private school ito ay you can do whatever you want. And mind it, I won't buy your ridiculous excuses. I will expect your parents today that's it!" Giit ni Hiro.
Tameme ang lahat lalong- lalo na ang grupo nina Lily. Parang sampal at malaking kahihiyan iyon kay Lily lalo pa't pinag-pipiyestahan na pala sila ng mga estudyante.
"Go to your room," baling naman ni Hiro kay Aqua nang makapantay ito sa dalaga.
Napakurap-kurap naman si Aqua ang nag-aapoy niyang dibdib biglang nawala. Parang bumbero si Hiro na umapela sa apoy na naglalagablab sa inner part ng dalaga.
"Sige," mahinang sagot ng dalaga at bago pa ito tuluyang umalis sa eksena ay nilingon niya ang babaeng na- bully.
Ngumiti ang babae sabay bigkas ng thank you ngiti lamang ang isinagot ni Aqua at tuluyan na itong lumayo doon. Inabog na din ni Hiro ang mga nagkukumpulang estudyante.
"In the office please," utos ng binata sa grupo nina Lily.
Tututol sana si Lily subalit nagkusa na ang mga kasama nito. Kaya wala ng nagawa pa ang babae kung hindi sumunod sa kanyang mga tropa. Halos hindi ma- drawing ang mga mukha ng mga ito na tinungo ang guidance office. Habang si Hiro ay napabuntonghininga saka napapikit kapagkuwan ay nagtungo na din ito sa private room kung saan gaganapin ang kanilang urgent meeting together with his school staff.
Kinahapunan. Napapitlag si Aqua sa biglang bagsak ng food tray sa kanyang harapan. Nasa school canteen kasi siya at kasalukuyang nagmi- meryenda. Pagtaas ng tingin ni Aqua upang sinuhin ang lapastangang gumawa noon sa harap ng kanyang pagkain. And it was, Lily na gigil na gigil ang hitsura.
"This is your fault! We are suspended for one week, nakakagigil ka!" singhal ni Lily.
"With all due respect, kumakain ang tao tapos babagsakan mo ako ng food tray? Naghahanap ka ba talaga ng away? Kasi hindi kita uurungan lalo pa't baliko iyang ugali mo!" galit na sagot ni Aqua sabay tayo.
Nameywang naman si Lily.
"At ano naman ang gagawin mo aber?" panghahamon nito.
Naningkit naman ang mga mata ni Aqua.
"Alam mo, pasalamat ka pinalaki ako ng Nanay ko ng maayos. Shame on you, ako ang nahihiya sa ugali mo at naaawa ako sa Nanay mo." Aniya.
"Huwag mong idadamay ang Mommy ko dito. Dahil sa pagiging bida- bida mo, she's mad at me idiot!" Mataray na turan ni Lily.
Napangisi naman si Aqua.
"Ayaw mong idamay ang Mommy mo? Sana naisip mo iyan bago ka nam- bully ng kapwa estudyante mo obob!" Wika niya.
"Wait..did you just call me dumb?" nanlalaki ang mga mata ni Lily na sabi nito.
"Hindi ka naman siguro bingi," walang pakundangang sagot ni Aqua at tinalikuran na niya si Lily.
"Hey! We are not finished yet, Im still talking to you!" Sigaw ni Lily upang matawag pansin ang ibang naroon.
Napapikit naman si Aqua at pilit na pinakalma ang sarili dahil malapit na talaga niyang patulan si Lily.
"Ano, gusto mong dagdagan ang record mo at punishment mo?" Diretsang sabi ni Aqua nang muli itong humarap kay Lily.
Natigilan naman si Lily, naibaba nito ang naka- ambang kamay para sana kay Aqua.
"Ano, bakit hindi mo ituloy? Sasampalin mo ako? Ituloy mo at nang makita mo ang hinahanap mo, babae ka!" panghahamon naman ni Aqua.
Bumilis naman ang taas babang dibdib ni Lily dahil sa galit nito. Akma na sanang itutuloy ni Lily ang pagsampal nito kay Aqua nang may biglang magsalita.
"Ano naman ito, Miss Lily?" boses ni Hiro.
Napakuyom naman si Lily sa sariling palad nito at humarap sa binata.
"She's bluffing a fake news!" Pambibintang ni Lily.
Napangisi naman si Aqua.
"Ang lala na talaga ng mental behavior mo girl," aniya.
"It's true! Kung ano- ano ang sinasabi mo about my suspension," giit pa ni Lily.
Tumingin naman si Hiro kay Aqua na para bang nagtatanong ito sa kanya. Aqua rolled her eyes at saka natawa.
"May cctv ang canteen hindi ba? Check it out, ayokong magpaliwanag. Hindi ko ka- level ang burikat na iyan." Wika ni Aqua.
"Mind your word, Aqua." May diin ang pagkabigkas ni Hiro.
"Anong masama sa sinabi ko?" Maang na tanong ni Aqua.
"Ang mga kalyeng salita ay hindi mo dapat dinadala sa mga decent places like school. Put in your mind, na maraming nakikinig." Saad pa ni Hiro.
"Ganoon? Oh, 'di sorry! Nakaka- imbiyerna kasi ang kasinungalingan ng chiwawa na iyan." Sagot ni Aqua nang makuha nito ang ibig sabihin ni Hiro.
"Dalawa, Aqua!" bulalas naman ni Hiro.
"Ops, sorry!" Tugon ni Aqua sabay talikod na at humakbang papalayo sa canteen.
Baka kasi sila ni Hiro ang magka- initan i,- expelled siya sa school. Pero, okay lang mas masaya siya sa public school kung tutuusin. Doon, hindi sumasakit ang kanyang ulo kagaya da private school. Sa public may peace of mind siya saka, kinakatakutan siya doon. Isang tingin lang niya at irap, tiklop na mga nakakakilala sa kanya doon sa public school.
Ilang sandali pa at uwian na. Marami na naman ang happy at nagmamadaling umuwi. Except kay Aqua, tinatamad siyang umuwi at alam niyang nasa labas na ng school ang sundo niya. Kung sa iba siguro laking tuwa nila kasi instant yaman agad. Pero, siya ayaw niya ng instant yaman hindi iyon masaya.
"Hop in," untag ng isang boses kay Aqua na lutang habang naglalakad.
Malalampasan na pala niya ang kotseng susundo sa kanya. Kaya pagtingin niya sa nagsalita mukha ni Hiro na hindi maipinta ang kanyang nakita. Mas lalo tuloy siyang tinamad buong akala niya ay umuwi na nag haring kwago hindi pa pala.
"Akala ko, nakauwi ka na." Tinatamad na tanong ni Aqua sabay sandal pagka- upo niya.
"Ilang minuto lang naman at uwian na after ng eksena sa canteen." Malamig na tugon ni Hiro.
Agad na nahimigan ni Aqua ang pagkadis- gusto sa boses ni Hiro. Sa ikli ng pagkakilala niya sa binata ay nakagamayan na niya ang ibang ugali nito.
"May kasalanan na naman ako, sorry na." Wika ni Aqua para matapos na ang silent battle nila ni Hiro.
"Will you act as a gentle lady? Lakas mong punahin ang mental behavior ni Lily so was you also." At hayun na nga sumabog na ang tinitimping inis ni Hiro para kay Aqua.
Napapadyak tuloy si Aqua sabay simangot.
"Ano na naman ang kasalanan ko?" tanong niya.
"I'm talking to you and yet you're gone without saying excuse me? Tama bang ugali iyon at sa harapan pa ng maraming estudyante! Iginagalang ako doon at tinitingala pagkatapos ikaw itong sisira? Ilugar mo naman ang ugali mong kalye," sermon ng binata.
"Hindi ugaling kalye ang ginawa ko. Oo, nagkamali ako sa part na iyon inaamin ko at nagsabi naman na ako ng sorry hindi ba? Umiwas lang ako, mas nakakahiya kung pinatulan ko ang Lily na iyon at hindi nakinig sa'yo okay?" Paliwanag naman ni Aqua.
"May iniingatan kang imahe, Aqua always remember that. Kami nga na legal hindi iyon binahiran ikaw pa kaya na second hand lang?" nanunuyang turan ni Hiro.
And masakit iyon sa part ni Aqua, tanggap niyang second hand lang sila ng Mama niya. Pero, iyong pagbintangan siyang binabahiran niya ng kahihiyan ang unang pamilya ng asawa ng Mama niya hindi naman siguro tama.
"Ng dahil lang sa ginawa ko, binahiran ko na ang malinis na imahe ng pamilya niyo!" may hinanakit sa boses ni Aqua.
Hindi umimik si Hiro na napatingin kay Aqua. Naulinigan yata nitong nasaktan ang damdamin ng dalaga.
"That's not what I mean. Try to think of what you've done and you will understand what I'm trying to say." Paliwanag ni Hiro.
"Parehas lang naman ang ibig mong sabihin huwag mo ng iliko. Ibalik mo ako da public school para wala ka ng inaalalang imahe na mababahiran ko sa private school niyo." Tahasang sagot ni Aqua sabay kurap para hindi malaglag ang mga nangingilid niyang luha.
Ayaw niyang makita ni Hiro ang kanyang mga luha baka sabihin pa ng mokong na mahina siyang nilalang. Gusto niyang makita ni Hiro kung gaano siya katatag at katapang para hindi siya palaging inaapi man lang.
"So, you're surrendered?" tanong kapagkuwan ni Hiro.
"Hindi ako klase ng taong mabilis sumuko. Pinagtibay na ako ng panahon," taas noong tugon ng dalaga.
"Then, bakit ka nagpapabalik sa public school?" Muling tanong ni Hiro.
"Kasi doon, may peace of mind ako. Doon maraming nagmamahal sa akin, mga nagmamalasakit sa damdamin ko. Walang masyadong judgemental at mga bullies, may respeto kami doon. Kahit papaano, masaya ako doon sa public." Paliwanag ni Aqua.
Hindi umimik si Hiro pero blangko naman ang mukha nito. Nag- iwas ito nang tingin at tumingin sa labas ng bintana. Habang si Aqua hurt pa rin ang kanyang feeling's sa nasabi ni Hiro sa kanya. At ipinangako niyang iiwasan na muna niya ang binata, magtitimpi muna siyang patulan ito. Kasi, ayaw niyang nadadamay ang relationship ng kanyang Mama sa Daddy ni Hiro, para sa kanya ay ibang usapan na iyon sa kanyang issue sa school kanina. Si Hiro sana ang mag- isip- isip tungkol sa mga pinagagagawa nito at hindi siya. Para ma- realize nito ang sinasabi nito kay Aqua.