C-16: What happened to Hiro before?

1434 Words
"Ano itong nalaman kong for the ligaw na daw si Ford sa Mansyon niyo?" nakangiting tanong ni Shiela kay Aqua nang magkita sila sa Park. "Sus, saan mo naman nalaman?" walang malisyang sagot ni Aqua at naupo sa banig na inilapag nilang magkaibigan saka dumampot ng kikiam. Nagdala kasi silang magkaibigan ng makakain at kutkutin para naman kahit papaano ay hindi sila mabo- boring. "May pakpak ang balita, may tainga ang lupa." Turan naman ni Shiela. "Ang sabihin mo, literal na isa kang tsimosa idinaan mo pa sa kasabihan." Pambubuska naman ni Aqua sa kaibigan. Imbes na mapikon si Shiela ay biglang tawa naman ang dalaga. "Lakas ng tawa mo akala mo naman ikaw lang ang tao dito sa Parke hoy!" sita naman ni Aqua. Tumigil naman si Shiela sa pagtawa nito nang malakas pero napalitan naman ng hagikhik. "Alam ko namang alipores ka ni Ford kaya for sure siya ang nagsabi sa'yo." Nandidilat na sabi ni Aqua. "Hoy, grabe ka naman! Kasi, kalat na sa buong campus may nakakita daw. Kaya ang haka- haka ng karamihan, seryos si Ford sa'yo girl! Dahil hindi pa siya nanligaw ever lalo na sa mismong bahay ng babae." Saad ni Shiela. "Dapat ba akong matuwa? Saka, hindi ko naman bahay iyon ano!" Mataray na sagot ni Aqua. "Hindi na importante kung hindi mo bahay literally iyon ano? Iyon nga, ngayon lang daw talaga nanligaw si Ford sa isang babae. At ikaw pa lang iyon, nakakatuwa Aqua!" Kinikilig na wika ni Shiela sabay subo ng kikiam. Pinaikot naman ni Aqua ang kanyang mga mata at nagkibit balikat. "Eh, ang sistema trending na pala ako ngayon sa campus niyo!" "Oo! At hulaan mo, may mga mamatay na sa inggit at selos kaloka!" mabilis na tugon ni Shiela. "Hayaan mo silang mamatay sa inggit at selos sana masaniban din sila ng sakit na ketong o kaya naman ay epilepsy." Gigil na turan nj Aqua. Tawang-tawa naman si Shiela saka sila nag-apir na magkaibigan. "Pero, sasagutin mo ba naman si Ford kung sakali? Aba, ang suwerte niya kapag ganoon siya ang first love at first boyfriend mo!" Anito kapagkuwan. "Tse! Huwag mo nga akong ibugaw diyan sa Ford na iyan. Depende pa rin, at saka hindi ko sure." Angal naman agad ni Aqua. "Ito naman, ano bang ayaw mo sa kanya eh nagsusumikap namang magbago iyong tao." Katwiran pa din ni Shiela. "Tumigil ka na, Shiela. Kilala mo ako at kung sakaling magkakaroon ako ng boyfriend ikaw ang unang- una na makakaalam." Wika naman ni Aqua. At doon natapos ang usapin nila ukol sa pag-ibig. Hindi na iginiit pa ni Shiela ang kanilang usapan at baka masermonan lang ito ni Aqua. Sa iba na lang napunta ang kanilang usapan para naman ma- enjoy nila ang kanilang bonding moment. Lalo pa at magkaiba na sila ng school na pinapasukan. At talaga namang weekend na lang sila nagkikita minsan hindi pa lalo na kung marami silang gagawing projects para sa school. "I can't stand it anymore, Hiro! Tell me kung may ibang babae ka na! Magmula nang dumating ang Aqua na iyon sa buhay niyo, nag-iba ka na." Tungayaw ni Tamara kay Hiro nang madatnan niya ang binata sa resort na pag-mamay-ari nito. Napakunot-noo naman si Hiro na tumingin kay Tamara. "Tama ba ang narinig ko? Nagseselos ka sa isang bata?" asar na tanong ng binata. "So what?! Hindi na siya bata, nasa legal age na siya remember? Maganda siya, inosente at kahali- halina why not?" giit ni Tamara na naka- pameywang pa. Napapikit naman si Hiro saka napailing-iling. "You're insane and crazy!" Bulalas nito. "Oo! Napa- praning na kung napa- praning pero pakatandaan mo, Hiro. A woman's instinct is always right," Tumayo naman si Hiro at tuluyang hinarap si Tamara. "So, if you don't trust me anymore I guess we will end up our relationship now. It's useless to argue and to explain to you while you're not believing me." Anito. Nanlalaki naman ang mga mata ni Tamara. "See? See, sinasabi ko na nga ba! Imbes na suyuin mo ako, pumayag ka sa sinasabi kong hiwalayan! Pinatunayan mo lang na tama ang mga sinasabi ko, Hiro!" Singhal ng dalaga. "Shut up, Tamara! You're not a kid anymore okay? Act accordingly to your age puwede ba? Nilalamon ka ng inggit at selos kay Aqua? Bakit, ganoon ka ba kababa?" Si Hiro naman ang suminghal kay Tamara. Natameme naman si Tamara. Hindi ito nakapagsalita tanging lunok lang ang nagawa nito habang nakatingin kay Hiro. "You're jealous of a woman that can't be threatened at your level? My God, Tamara wake up! Sino ba si Aqua sa tingin mo?" Patuloy na sabi ni Hiro. Taas baba naman ang dibdib ni Tamara habang nangingilid ang mga luha nito. "But...But I can sense and feel it, Hiro." Katwiran nito. "So?" "Kaya kita pinapaamin," Hiro chuckled. "I guess, walang patutunguhan itong ating usapan. Paulit- ulit na lang tayo, let's cool off muna para naman makapag- isip- isip tayo pareho." Aniya at naglakad na ito palayo kay Tamara. "Hirooo!" Habol na sigaw ni Tamara. Subalit hindi na lumingon pa si Hiro kay Tamara, tuluyan nang umalis ng resort ang binata. Naiwan naman si Tamara na nagngingitngit at galit na galit. Nagsisigaw ito saglit pagkatapos ay umalis na din sa resort. Naiwan namang nagbubulungan ang mga tao doon dahil sa nakita nilang masamang ugali ni Tamara. "Bakit ganyan ang hitsura mo?" tanong agad ni James, kaibigan ni Hiro nang makita ang kaibigan. Nagpunta si Hiro sa cafeteria ni James doon ito dinala ng kanyang sasakyan. Bumuntonghininga naman si Hiro at umorder ng isang macchiato. "Lover's quarrel?" muling tanong ni James na napangisi. Humigop naman si Hiro sa kanyang kape at napailing-iling. "I don't know because grabe na ang pag-iinarte ni Tamara these past few days. Nakakarindi wala namang katotohanan," sagot ng binata sa wakas. Natawa naman si James at naupo sa harapan ni Hiro. "Ano bang issue?" "She's bluffing a nonsense topic. She's jelous to Aqua, my step sister." Saad nito. Muling tumawa si James. "Mas maganda naman kasi ang step- sister mo, matalino na so young pa." Anito. "Isa ka din," pandidilat naman ni Hiro sa kaibigan nito. Napahagikhik tuloy si James. "No kidding aside bro! Ireto mo nga ako sa kanya please?" "Eh...kung kutusan kaya kita? Mas matanda ka pa nga kaysa sa akin sa tingin mo papatol siya sa'yo?" Napangiti naman si James. "Age doesn't matter pagdating sa pag- ibig. At hindi mo mapipigilan ano mang pilit mo kung napana ka na ni kupido, tandaan mo iyan." Saad ng binata. "Whatever!" Walang emosyonh tugon ni Hiro. "You know dude, hindi ka naman dating ganyan eh! Hindi mo na ba talaga maibabalik ang dating Hiroshi?" Napahinto naman si Hiro at napatitig kay James. "What do you mean?" tanong nito. "Iyong dating ikaw, miss na namin iyon eh!" Turan naman ni James. "Wala namang nagbago sa akin para sabihin mong I need to bring back the old me. Sorry, pero para sa akin ako pa din ito James!" Tugon ni Hiro. Napangiti naman si James at tumango-tango. "Okay, sinabi mo eh! Pero, hindi mo ba susuyuin si Tamara?" pang- iiba na lamang ni James sa usapan nilang magkaibigan. Alam ng binata na hindi pa siguro panahon upang magsabi si Hiro sa katotohanan. At hindi niya pipilitin ang kanyang kaibigan alam ni James na may tamang panahon. At kapag nangyari iyon ay walang pakundangang pakikinggan niya ang binata. Alam naman nilang lahat kung ano ang nangyari noon kay Hiro dahilan upang magbago ito nang tuluyan. Ayaw lang aminin ni Hiro sa lahat subalit naiintindihan naman siya ng mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa binata. "Ginawa niya ang issue na ito, dapat mapag- isipan niya kung ano ang kanyang pagkakamali." Sa wakas ay sumagot din si Hiro. Tumango-tango naman si James. "Hindi ka naman matitiis ni Tamara for sure," aniya. Napabuntonghininga si Hiro. "Honestly, I'm tired of it." "What do you mean?" gulat na tanong ni James. "I can't feel the spark anymore even before parang nadala lang ako sa...sulsol." wika ni Hiro. "Sulsol o sa pride mo?" Sabi naman ni James. Hindi umimik si Hiro bagkus ay inubos nito ang hawak na macchiato saka tumayo. "Thanks sa oras mo, James babalik ako mamayang gabi may aasikasuhin lang ako." Turan nito sabag tapik sa balikat ng kaibigan. "Okay, ingat!" Tanging nasabi ni James sabay kaway sa kaibigan. Malungkot na tinanaw ni James ang papalayong sasakyan ni Hiro. He can feel the loneliness and hatred sa puso ng binata. How he wish na mag- o- open up si Hiro sa kanya para matulungan niya ang kanyang kaibigan na maibalik ang dating siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD