C-15: Dinalaw ni Suitor

1614 Words
It was Saturday. Kaya nagpuyat si Aqua kagabi, lahat ng dapat niyang gawin para sa school ay ginawa na niya. Para kahit siyang magising ay okay lang kasi tapos na niya ang kanyang homework. "Aqua, may bisita ka anak bumangon ka na diyan." Boses ng Mama niya ang nagpamulat sa kanyang mga mata. Gising na ang kanyang diwa subalit nanatili lang siyang nakapikit. Hindi niya namalayang nakapasok na pala ang kanyang Mama sa loob ng kanyang room. Hinawi ng kanyang Mama ang makapal na curtain at tumagos ang haring araw sa kama niya. Tumagilid si Aqua sa kabila para hindi siya masilaw sa sinag ng araw. "Hmmm...Mama naman," hinaing ni Aqua. "Bangon na anak, may bisita ka." Sabi naman ni Alona sabay upo sa gilid ng kama at hinatak ang kumot ng anak. Pupungas- pungas si Aqua na bumangon at sumandal sa headboard ng kama. "Wala naman akong alam na bibisita sa akin ngayon ah! Mamayang hapon pa kami magkikita ni Shiela," katwiran niya. "Anak, suitor mo daw siya!" Napatuwid ng bangon si Aqua. "M-Manliligaw?" Pautal niyang tanong habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Napakunot-noo naman si Aling Alona. "Bakit anak, hindi mo alam na nanliligaw siya sa'yo?" Tanong nito. "Kasi Mama, ano eh! Ahmm..sino daw ba?" natatarantang turan ni Aqua. Ngumiti naman si Aling Alona. "It's okay anak! Ayusin mo na ang iyong sarili at babain mo na siya. Kanina pa kausap ng tatlo ang manliligaw mo," anito. "H-Ho?! Ang tatlong kwago nandoon?" bulalas ni Aqua. "Ha? Sinong tatlong kwago anak?" naguluhan naman si Aling Alona. Kaya agad na ngumiti si Aqua nang may pag-aalinlangan. "Ah..sabi ko po ang tatlong guwapo namali lang ako ng bigkas." Pagkakaila naman niya agad. "Ganoon ba? O, siya sige magbihis ka na at nakakahiya sa suitor mo." "Sige po, susunod po ako sa inyo pagkatapos!" Mabilis na pagsang- ayon ni Aqua sa Mama niya saka tinakbo ang bathroom. Napapailing na lamang si Aling Alona saka napapalatak at inayos ang higaan ng anak bago ito lumabas ng kwarto. Habang si Aqua ay napatitig sa malaking salamin sa loob ng kanyang bathroom. "Si Ford ba 'yong bisita ko? At bakit kausap ng tatlong kwago? Baka mamaya may masabi na naman 'yong haring kwago sa akin. Nuknukan pa naman iyon ng laitero akala mo perpekto!" sabi ni Aqua na parang tanga lang at kausap ang sarili. "Paano niya natunton itong bahay ng mga kwago?" muling sabi ni Aqua sa sarili. Kapagkuwan ay napakurap-kurap si Aqua sabay pilig ng ulo. Kinalaunan ay naligo na siya ng madalian at siniguradong maganda siya sa paningin ni Ford. Nagwisik ng pabango at nang makontento na siya sa kanyang ayos ay nagpasya na siyang bumaba. "Hi!" kiming bati ni Aqua nang makababa na ito at makitang si Ford nga ang kanyang bisita. Gumanti naman ng ngiti si Ford at agad na lumapit kay Aqua saka sila nag- beso- beso. Pagkatapos ay iniabot ni Ford kay Aqua ang hawak nitong tulips boquet with mamahaling chocolate bar. "Thank you!" Wika ni Aqua saka sila umupo ni Ford. Pagsulyap ni Aqua sa tatlong kwago na nakamasid sa kanila ay umirap pa siya. "Boyfriend mo?" si Adrian ang nagtanong. "Suitor," sagot ni Aqua. "Hindi mo ba alam, chickboy 'yan! Member nga sa club namin eh!" Sabi naman ni Logan. Ngiting aso naman si Aqua. "Okay lang kilala niyo naman na pala ang kulay ni Ford, same sa inyo." Sagot niya. Napatikhim naman sina Logan at Adrian saka tumingin sa tahimik n si Hiro. "Hayaan niyo na, mukha namang masaya siya sa gusto niya." Biglang sabi ni Hiro. Tumawa naman si Ford. "Sila pala ang step- brothers mo, friends ko sila. And don't mind them, ganyan talaga kami." Anito. Bumaling naman si Aqua kay Ford. "Kaya pala familiar ka noon pa sa akin, kakulay mo pala sila." Sagot niya. Mas lalong tumawa si Ford. "But, I'm serious Aqua!" Giit nito. Napaubo naman sina Logan at Adrian habang si Hiro napa-sipol. Kung kaya't inis na nilingon ni Aqua ang tatlong parang panira sa moment nila ni Ford. "Diyan lang ba kayo hanggang matapos kaming mag-usap ni Ford?" prangkang tanong ni Aqua. Natigil naman sina Logan at Adrian saka sabay na tumayo. "Sige na nga! Ikaw, Ford ha? Don't mess around with Aqua, may kalalagyan ka." Pagbabanta naman ng dalawa. "Oh.. dapat ba akong matakot?" ganting sabi naman ni Ford. Si Hiro naman ang marahas na tumayo at pinakatitigan si Ford. "Dapat lang na matakot ka and please mind your behavior nasa pamamahay ka namin." Anito at umalis na. Sumunod naman sina Adrian at Logan sa kanilang Kuya na kumaway pa kay Ford bago tuluyang umalis. "Magkakaibigan ba talaga kayo?" tanong naman ni Aqua kay Ford nang silang dalawa na lamang. "Oo naman, why?" "Para kasing hindi. Parang magkakaribal lang kayo!" Tumawa si Ford. "Anong nakakatawa sa sinabi ko? At saka, paano mo nalamang nandito na ako sa kanila?" mga tanong ni Aqua. "Friends usually don't sweet around aren't they? And, I have my own way to find you. I told you that I'm serious, saka kapag gusto maraming paraan right?" Paliwanag ni Ford. "Okay, na- justified mo naman ang iyong sagot." Turan ni Aqua. Natawa ulit si Ford. "You're so funny that's why I like you though!" "Ano ako, clown?" "Oh.. Aqua! By the way, how's your new shool?" Nagkibit balikat naman si Aqua. "And why is that?" nagtatakang tanong ni Ford. "Mas masaya pa rin sa public," matamlay na wika ni Aqua. "Well, I told you before private is messed up. Mas takot pa nga mga teachers sa kanilang student eh! Unlike sa public, mas takot mga students sa kanilang mga teachers." Saad ni Ford. "May punto ka diyan. Saka, madaming inggrata sa public nakakagigil!" Inis na tugon ni Aqua. "Do you need back up?" "Ha?" "Just say if you need back up," nakangising turan ni Ford. "Wala ako sa giyera kaya hindi ko kailangan ang back up ano?" Natatawang sabi ni Aqua. "Studies are like a battle that needs for back up, I can do if you want." "Hay, huwag na kaya ko naman saka paano mo naman ako iba- back up aber?" "It's just a piece of cake if I want." Napatitig naman si Aqua kay Ford. "Sure ka ba?" paninigurado niya. "Yeah! Transfer is the key!" "Uy, no way! Ilang buwan na lang graduating na din tayo kaya no need. Saka, I can manage naman." Tanggi ni Aqua at napailing-iling pa. "Okay but just in case," pagpupumilit ni Ford. "No, but thanks!" nakangiting sagot ni Aqua. Tumango-tango naman si Ford dahil naiintindihan niya si Aqua. Marami pa silang napag-usapan hanggang sa nagpaalam na si Ford kay Aqua. Agad namang sumugod si Aqua sa dining room dahil gutom na gutom na ito pagkahatid niya kay Ford sa may gate. Nang matapos itong kumain kagaya ng nakagawian niya ay dumiretso siya sa may hardin. "Huwag mong sasagutin iyon ah!" Mula sa kanyang likuran ay biglang sulpot sina Adrian at Logan. "Nakakagulat naman kayo! Kapatid niyo nga ang Kuya niyo," wika ni Aqua nang mapalingon siya sa dalawang binata. Tumawa naman ang dalawa. "No DNA needed nga eh!" Sabi naman ni Adrian. "Eh 'di wow!" Sagot naman ni Aqua at muling hinarap ang mga bulaklak. "Mag-ingat ka kay Ford ha? Paiiyakin ka lang no'n," wika ni Adrian sabay siko pa kay Aqua. "Salamat sa pagmamalasakit pero wala pa sa aking isipan na magka-boyfriend." Sabi naman ni Aqua. "Kung mag-boyfriend ka, huwag ang katulad ni Ford okay?" Wika naman ni Logan. Natawa naman si Aqua at muling hinarap ang dalawang binata. "Akala ko ba kaibigan niyo siya?" tanong niya. "Kaibigan pero sa high society lang. Saka, hindi lang iisa ang chicks noon pinag- sasabay pa niya. At ayaw naming itulad ka niya sa mga babae niyang pinagsasabay lang niya." Paliwanag ni Adrian. "Wow, ang babait naman nila. Sana, ganyan din mindset niyo sa mga babae niyo. Magka-kukulay kayo nina Ford hindi ba? Meaning, magkaka-parehas kayong maraming babaeng pinag-sasabay." Pambubuska ni Aqua sa dalawa. Napaubo tuloy sina Adrian at Logan saka nagka- irapan. "Kaya, bago niyo siraan si Ford sa akin at para hindi ako mapunta sa kanya, ayusin niyo din muna ang mga babae niyo. Isa- isa lang din para naman paniniwalaan ko kayo hane?" Muling sabi ni Aqua. "Ah..basta huwag kang magtitiwala kay Ford!" giit naman ng dalawa. "Bakit niyo kasi pipilitin ang ayaw?" mula sa kanilang likuran ay nagsalita si Hiro. Natahimik silang tatlo. "Hindi niyo mapipigilan ang isang taong sarado na ang utak," sabi pa ni Hiro. "May sinabi ba akong magiging boyfriend ko si Ford?" inis namang sagot ni Aqua. "Whatever!" kibit balikat na tugon ni Hiro at umalis na ito. "Naku, kung hindi lang kasalanan matagal ko ng sinakal ang kwagong iyan!" gigil na sabi ni Aqua. "Kwago si Kuya?" magkasabay na bulalas nina Logan at Adrian. Natutop naman agad ni Aqua ang kanyang bibig at umiling. "Guwapo iyon hindi kwago! Maglins nga kayo ng inyong mga tainga at nabibingi na ata kayo!" Wika ni Aqua kinalaunan saka nagmamadaling lumayo sa dalawa na napapakamot sa kanilang mga batok. Naiwan naman sina Logan at Adrian na naguguluhan at napapailing-iling. "Iba lang ba tayo ng dinig? Kwago kasi narinig ko eh!" Tanong ni Adrian kay Logan. "Ewan! Kwago din ang narinig kong sinabi niya, halika na nga at ng makapaglinis na tayo ng ating mga tainga. Baka nga nabibingi na tayo," naguguluhang sagot ni Logan sabay yakag sa kapatid. "Pero, infairness guwapo daw si Hiro!" Turan naman ni Adrian sabay hagikhik. Napahagikhik na din si Logan at sabay na silang pumasok sa loob ng Mansyon. Na kung iba tao lang sana ang makakakita sa dalawa ay mapag-kakamalan silang tila nasisiraan na ng bait dahil sa kakahagikhik ng dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD