So, this is it! Naroon na si Aqua sa private school na lilipatan niya. Nakatayo siya doon at mabilis na iginala ang paningin sa buong unibersidad. Hindi masyadong crowded kagaya ng pinanggalingan niyang school kasi nga private. At kapag private, aasahan mong mga anak mayayaman ang naroon. Natawa tuloy si Aqua sa sarili niya, hindi niya pinangarap na maging anak mayaman. Pero, medyo nah- wish din siya noon kung ano bang mayroon sa private school na wala sa public school. Ngayon, ay mararanasan na niya at puwede na siyang maghambing sa public at private school.
"Look, there's a new comer," narinig ni Aqua na bulong ng iba pang student.
Hindi siya lumingon. Ayaw niyang pansinin ang nga nega, boses palang ng mga iyon ay nakakairita na.
"Where did she came from?" tanong naman ng isa.
Nakangiti naman si Aqua pero nilalagpas- lagpasan lang siya. May mga pababa at pataas pa ngang tumitingin sa kanya. Mayroon ding parang nandiidiri na ewan ang expression ng mukha. Iyon ang pinaka- ayaw ni Aqua mga judgemental at feeling perfect. Mukhang mapapa- agang lalabas ang kanyang pagka- dragon kapag ganito ang palagi niyang nakikita.
"Room Diamond ang section mo, third room to the right pathway." Anang ng isang boses.
At kilala naman ni Aqua kung sino iyon, ang haring kwago na palaging nakabuntot sa kanya.
"Thank's!" maikling sagot ni Aqua.
"Remember, I'm watching you!" babala naman ni Hiro.
"Palagyan mo na din ako ng hidden camera para naman palagi kang updated." Mataray na sagot ng dalaga.
Napangisi naman si Hiro.
"No need. Every corner of this school, I have cctv. No one can escape from me," anito.
Pagak namang tumawa si Aqua.
"Ano ito, squid game?"
"Isipin mo na lang na oo!"
"Oh...be careful baka ako rin 'yong master mind sa larong ito." Sabi pa ni Aqua saka nito iniwan si Hiro.
"Then, let game begin!" bulong naman ni Hiro sa sarili at tumalikod na din ito.
Pabagsak na naupo si Aqua sa upuang nakatalaga sa kanya. Ang gulo ng kanilang room, ang iba naman ay panay ang paganda. May mga tila nagde- date pa sa gilid ng room, naasiwa tuloy si Aqua. Sa pinanggalingan niyang school, makikita mo lahat ay abala sa pagre- review. Kasi araw- araw may quiz takot mapagalitan sa professor na mga terror. Walang pumapansin kay Aqua kasi mga mata pa lang ng kanyang classmates ayaw na sa kanya. Kapagkuwan ay may pumasok ng professor saka pa lang umayos ang nga classmates ni Aqua.
"Okay, folks let's welcome your new classmate, Aqua Maine Baltazar." Anunsyo ng Teacher.
Tumayo naman si Aqua at pumunta sa harapan saka nagbigay- galang sa lahat lalo na sa kanilang teacher.
"Hi, I'm Aqua Maine Baltazar nice to meet you all!" Sabi niya.
"Yeah, we know! How many times do you have to say your name?!" maarteng wika ng babaeng may kulay ang buhok at maraming earrings sa tainga.
"I won't stop to say my name until you know me." Sagot naman ni Aqua eye to eye sa babae.
"Oh...palaban! Nice one!" sabi naman ng iba sabay palakpak at tawa.
"Guys, don't mess around with Aqua mentor niya si Sir Hiroshi." Sabad ng kanilang teacher.
Biglang tumahimik ang lahat na tila nalulon nila ang kanilang nga dila.
"Off pala tayo sa kanya, akala niyo may mapaglalaruan na kayo ano?" sabi naman ng isang maputing lalaki na bukod tanging nag- iisa lang sa gilid kanina.
"Miss Aqua, puwede ka ng maupo." Turan ng kanilang teacher.
Nagpasalamat si Aqua at umupo na nga ito. Ang sama naman ng tingin ng babaeng nagsalita kanina kay Aqua pero hindi nagpatinag ang dalaga. Napagtanto ni Aqua na mukhang napunta siya sa school ng mga spoiled brat. Huminga nang malalim si Aqua, talagang plano siguro ni Hiro na hamunin siya sa mabigat na laban. Puwes, hindi siya magpapatinag kung sinadya ng binata na ilagay siya sa section na kung saan maraming mga pasaway.
"Kaano- ano mo si Sir Hiroshi?" mataray na tanong ng babaeng bumara kay Aqua kaninang umaga.
Napahinto naman si Aqua sa paglalakad nito dahil humarang ang babae kasama ang mga kaibigan nito.
"Wala," kaswal na sagot ni Aqua.
Humalukipkip naman ang babae.
"We heard that he's your step - siblings, kaya pala nakatuntong ka dito." Pagpapatuloy nitong sabi.
"Alam mo na pala, bakit mo pa ako tinatanong?"
"Palaban ka ha? Tingnan natin kung hanggang saan ang tapang mo," iritadang turan ng babae.
"Hoy, wala akong ginawang masama sa'yo kaya huwag mo akong pagbantaan. Kung mahilig ka sa away huwag mo akong itulad. Maikli lang ang pasensiya ko at higit sa lahat, hindi ako basta - basta nagpapatinag hangga't nasa tama ako. Nandito ako para mag- aral at hindi ang aksayahin ang aking oras sa walang kabuluhang mga bagay." Mariing wika ni Aqua.
"At hindi ako isang bagay lang. I am your nightmare from now on," mariin ding sagot ng babae.
"Even a nightmare can't scare me enough because it's just a dream. A dream that can fade in an instant. Kaya puwede ba, excuse me!" matapang na sabi ni Aqua sabay tabig sa babae at naglakad na ito papalayo.
Taas baba naman ang dibdib ng babae sa sobrang inis nito kay Aqua.
"Lily, kaya mo ba 'yon? Mukhang hindi naman matatakutin," tanong isang kaibigan ni Lily.
"Tingnan natin!" umuusok ang ilong ni Lily sa galit.
"Saka, lagot tayo kay Sir Hiroshi kapag kinanti natin siya." Turan naman ng isa.
"Palihim lang natin siyang paparusahan," nakangising sagot ni Lily.
"Basta ako, labas ako diyan ha?" tugon naman ng isa saka na ito umalis.
"Duwag!" sigaw naman ni Lily sa papalayong kaibigan nito.
"Ako din ayokong madamay," hirit naman ng isa pa at nagmamadali na din itong umalis.
"Ikaw, aalis ka din ba?" galit na baling ni Lily kay Ella na aalis na din sana.
Kaya natigilan si Ella at napilitang ngumiti.
"Eh... ayoko kasing makalaban ang step- sister ni Sir Hiroshi!" paliwanag ni Ella.
"Fine! Bayaran mo lahat ng utang mo sa akin at ibalik mo lahat ng ibinigay ko sa'yo." Pagbabanta ni Lily.
Napakamot naman sa ulo si Ella.
"Pag- iipunan ko," anito.
"Huwag mong kakalimutan na kung hindi dahil sa akin hindi ka makakapag- aral dito sa private school." Pandidilat pa ni Lily sa kaibigan.
Hindi nakapagsalita si Ella namula ang mga pisngi nito at agad na tumingin sa kanilang paligid. Baka kasi may makarinig nakakahiya at hindi niya iyon matatanggap.
Nakapikit na inilapag ni Aqua ang gamit niya sa bed side table. Matamlay na umupo sa gilid ng kanyang kama saka inalis ang suot na sapatos at medyas.
"Kumusta ang unang araw mo sa private school anak?" masayang tanong ni Alona sa anak pagkapasok nito sa kwarto ng dalaga.
"Okay lang po," walang ganang sagot ng dalaga.
"Okay lang pero bakit ganyan ang mukha mo?" tanong pa rin ng Ginang.
"Naninibago lang ho,"
Hinaplos naman ni Alona ang likod ng anak saka inayos ang ilang hibla ng buhok ng dalaga.
"Masasanay ka din anak," pang- aalo ni Alona kay Aqua.
"Siguro," sagot ni Aqua habang inaalis ang kanyang uniform.
"May nakilala ka na bang bagong friend mo doon?" tanong na naman ni Alona, inaaliw niya ang kanyang anak.
Tumigil naman si Aqua sa pagpapalit ng damit nito at tumingin sa ina.
"Hindi po uso doon ang salitang new friend. Private po iyon Mama hindi public,"
"Pero, lahat naman ng school anak may makikilala kang bagong kaibigan hindi ba?"
"Wala pa po sa ngayon siguro some other day," sabi na lamang ni Aqua dahil ayae na niyang humaba pa ang usapan nilang mag- ina.
"O, siya mukhang pagod ka anak. Magpahinga ka na muna at gigisingin na lang kita kapag kakain na tayo ng dinner." Pang- iiba na lamang ni Alona sa usapan nila ni Aqua sabay halik nito sa ulo ng anak.
"Sige po," tugon naman ni Aqua sabay higa sa kanyang kama at pumikit.
Tumayo naman na si Alona at lumabas na mula sa kwarto ng anak. Habang si Aqua ay bumaluktot ng higa sabay yakap sa teddy bear na ilang taon na niyang kasama sa pagtulog. Iyon ang kanyang ultimate healer kapag nalulungkot siya pakiramdam niya ay para na din niyang kayakap ang kanyang Papa. Ang bukod tanging regalo at ala- ala ng kanyang Papa sa kanya. Kaya ganoon na lamang kahalaga at kamahal ni Aqua ang Teddy bear na galing sa kanyang Papa bago ito sumaka-bilang buhay. Pakiramdam ni Aqua lahat ng kanyang lungkot at hinanaing ay nawawala kapag yakap- yakap niya ang teddy bear na iyon.