Pinning ceremony na nina Aqua emotional ang kanyang Ina. Maging si Aqua ay hindi nito napigilan ang kanyang mga luha. May naalala siyang isang taong sobra niyang sabik na makita. Taong kay aga siyang iniwan hiling niyang sana ay naroon ang taong iyon. Saksi sa kanyang tagumpay, kumpleto silang pamilya. Buong- buo na sana ang kanyang nadaramang kaligahan kung buhay pa ang kanyang pinaka- mamahal na Ama. "Mama," garalgal ang boses ni Aqua at muling yumakap sa Ina. Nakuha agad ni Alona ang ibig sabihin ng kanyang anak at muli din niyang niyakap ito nang mahigpit. "Proud siya sa'yo anak sigurado iyon, alam kong nakikita ka niya ngayon. Kaya be happy okay?" alo ng Ginang. Hindi nagsalita si Aqua, impit itong humagulhol sa mga balikat ng kanyang Ina. "Hindi ko man mapapantayan ang pagmamaha