"Kanina mo pa tinusok- tusok ang sphagetti sa iyong harapan pero hindi ka naman sumusubo." Pansin ni Shiela sa lutang na si Aqua. "Ha?" Labas sa ilong ang boses ni Aqua. Napailing- iling naman si Shiela at sumipsip sa kanyanh inuming yakult. "Tingnan mo pati boses mo naliligaw na din!" Anito. Pagak namang natawa si Aqua at pilit na sumubo ng sphagetti. As usual ay nagkita silang magkaibigan na palagi nilang gingawa tuwing weekend. Pagkakataon na din ni Aqua upang ibigay sa kaibigan nito ang mga binili niyang pasalubong galing Alaska. Tuwang- tuwa naman si Shiela sa mga pasalubong ni Aqua sa kanya. Kaya naman napasaya nito si Aqua kahit pa mukhang kakaiba ang aura nito sa araw na iyon. "May sakit ka ba? May jetlag ka pa din?" Magkasunod na tanong ni Shiela. Umiling naman si Aqua. "May