Sa wakas ay nakauwi na din sina Aqua galing Alaska. Grabe ang jetlag niya kaya tanghali na ay nakahiga pa rin ito. Dinig niyang kanina pa tumutunog ang kanyang selpon pero wala siyang lakas na bumangon para tingnan iyon. Kapagkuwan ay biglang bumukas ang pinto ng kanyang kwarto at iniluwa doon ang kanyang Mama. "Hindi ka pa ba gising Aqua?" Agad na tanong ng Ginang sabay taas ng mga blinds sa kwarto ng dalaga. Agad namang napapikit si Aqua sabay takip ng palad sa kanyang mga mata. " 'Ma naman," himutok niya. Umupo naman ang Ginang sa gilid ng kama at tumingin sa anak. "Alam mo ba kung anong oras na?" Tanong nito. "Alam kong tanghali na 'Ma," parang ngongong sagot ni Aqua dahil nakadapa na ito. "Hindi ka ba nagugutom?" tanong na naman ng Ginang. "Hindi ko ramdam ang gutom 'Ma pero a