Nakakapagod mamasyal ng ilang araw pero wika nga ng marami worth it naman. Malamig nga ang Alaska pero hindi naman kagaya ng winter season nila. Lumilitaw pa naman ang mga pawis ni Aqua lalo na kapag nagwo- work out siya kagaya ngayong umaga. Kahit papaano nagkaroon naman ng closure ang buong fam. At pagkatapos ng kanilang work out, simpleng gala ulit ay nagpunta naman sila sa sikat na Mall. "You can buy some of souvenirs here Aqua. Mga gusto mong ipasalubong sa mga kaibigan mo!" Wika ni Don George sa dalaga nang nasa loob na sila ng Mall. Kiming ngumiti si Aqua. "Salamat po!" Aniya. "Sige na anak pumili ka na at titingin din kami ng Tito mo ng mga puwedeng ipasalubong sa 'Pinas." Masaya namang turan ni Aling Alona. Tumango naman si Aqua at tumalima nang nagtingin- tingin. "You need h