Hinang-hina man si Aqua sa kanyang naging biyahe ay sulit naman na nang makarating na sila ng Alaska. Isinantabi na muna niya ang alitan nila ni Hiro. At mukhang ganoon din ang binata dahil gentleman ito sa kanya buong biyahe nila. "Anong masasabi mo about Alaska?" tanong ni Adrian kay Aqua habang nasa veranda sila ng bungalow which is bahay ng mga ito. Pagkagising nila at pagkawala ng kani- kanilang jetlag ay nagpasya silang uminom ng mainit na tsaa. Umaaraw nga sa Alaska pero ramdam mo st nanunuot pa rin sa buto ang lamig. Lalong- lalo na sa kagaya ni Aqua na hindi sanay sa napakalamig na klima. "Maganda saka, mukhang peaceful." Nakangiting sagot ni Aqua. "Tama ka! Lalong- lalo na sa mga baryo sobrang peaceful. Ang ganda nga sa dead sea eh! Kaso, hindi na dead ngayon gising na marahi