Kinabukasan. Nakatulog din naman si Aqua kahit pa may mga iniisip ito. Maaga din siyang nagising kasunod niya si Shiela. Pagdating nila sa kusina ay naroon na din ang tatlong magkakapatid. Iniwasan naman ni Aqua na mapadako ang kanyang tingin kay Hiro. "Gising na pala kayong lahat, mabuti naman!" Wika ni Lolo Delfin. Nagsi- upo naman na ang lahat at dumulog na sa hapag-kainan. "Papalaot kami, sinong sasama sa inyo?" kapagkuwan ay wika ni Lolo Delfin. Nagkatinginan ang lahat. "Iyong marunong lumangoy ah! Puwera kay Aqua, hindi 'yan marunong lumangoy kahit anong turo mo diyan." Sabi pa ni Lolo Delfin. "Lolo naman!" sagot ni Aqua. Ngumiti lang si Lolo Delfin saka nito kinindatan ang Apo. "Balak ko sana silang ipasyal sa falls," hirit pa ni Aqua. "Ah...may lakad pala kayo! Mag-iingat