Masaya ang naging hapunan nina Aqua sa Sagada, enjoy kahit pa medyo nababanas ang dalaga. Masyado kasing ipinapakita ni Damsel ang pagka-gusto nito kay Hiro. Habang sina Logan at Adrian ay inumpisahan na din ang mga ito ang tinatawag na friends is the beginning of love. Maliwanag ang gabi sa Sagada lahat ng mga puno may mga ilaw. Laloa na sa may falls pero ayaw maligo ni Aqua kapag gabi mas gusto niya sa tanghali pambawas ng init sa katawan. "Hi!" Untag ni Ryan kay Aqua na nakaupo sa may malaking bato nakaharap sa bonfire. Paminsan- minsan ding nilalagyan ng dalaga ng kahoy ang apoy para hindi ito mamatay. Kanya- kanya naman kasi ng spot ang lahat lalo na ang kasama nina Raven na mag-jowa. "Ikaw pala, Ryan!" Sagot ni Aqua. Naupo naman si Ryan sa tabi ni Aqua. "Bakit hindi kayo masyado