Hindi namalayan ni Aqua na nakaidlip pala siya habang hinihintay nila ni Hiro ang kanyang Lolo. Naalimpungatan si Aqua sa malakas na kulog, napabalikwas pa ito nang bangon. Pagtingin niya ay nasa pintuan pa rin si Hiro hinihintay ang pagdating ni Lolo Delfin. "Wala pa ba si Lolo?" Agad na tanong ng dalaga. "Unfortunately, wala pa siya at mas lalong lumakas ang ulan. Papahapon na, malabo yata tayong makauwi!" Sagot ni Hiro. "Hindi puwede! Suungin na lang natin bahala na basta makarating lang tayo sa bahay." Matatag na desisyon ni Aqua. Tumingin naman si Hiro kay Aqua. "Are you sure? Baka ka magkasakit, isisi pa sa akin." Tugon naman ng binata. "Hindi 'yan! Ako na ang bahala," giit naman ni Aqua. Bumuntonghininga si Hiro. "Kung gutom ka may baon kami diyan ng Lolo mo. Nagkape ulit ak