C-33: Stranded Sa Kubo?

1656 Words

Na-miss ni Aqua ang pangangain ng bagong pitas na pinya. Sobrang tagal na 'yong huli niyang kain sa taniman. Iyong pipitasin mo tapos diretso balat wala ng hugas- hugas tutal wala namang halong kemikal ang mga tanim ng kanyang Lolo. Idagdag pang bagong pitas ang mga iyon at pagkabango- bango. Sarap sa ilong at pakiramdam sobrang mabubusog ka talaga. Ikatlong pinya na ang nabalatan ni Aqua nang biglang kumulog at kumidlat. Mabilis niya tuloy nabitawan ang hawak na kutsilyo. May kasabihan kasi sa kanilang probinsya na kapag kumidlat bawal humawak ng mga matutulis o matatalim na mga bagay. Bawal din humawak ng gadgets,manood ng television at humarap sa salamin lalong-lalo na kapag magkasama sina kidlat at kulog. "Uulan pa yata," bulalas ni Aqua habang nakatingala sa langit. "Apo, bumalik ka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD