C-41: Kokak! Kokak!

1505 Words

Namasyal ulit sina Aqua sa bundok doon sa may pinyahan ng kanyang Lolo Delfin. Pero kumpleto na silang lahat, pati na ang kanyang Lola Desta. Sa may gawing kanan ay taniman ng mga mais at sa ibabang bundok likod ng kubo ay taniman ng mga palay. Matutulog sila ngayong gabi doon sa may kubo dahil mangunguha sila ng mga palaka. Umulan din kasi kaya sakto lang na manguha sila ng mga palakang bukid. Exotic food wika nga ng karamihan sa ibang lugar nga ay mahal ang isang kilo. Lalo na sa mga kilalang restaurant at sa ibang bansa. Pero sa probinsiya, natural na pagkain para sa kanila. Mayroon ngang iba na parang nagsawa na pero karamihan gustong- gusto naman nila. "Kumakain ba kayo ng mga palakang bukid?" tanong ni Lolo Delfin sa lahat habang naghahapunan sila. Nagkatinginan naman sina Aqua at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD