Late ang lahat na gumising sa araw na iyon, pagod silang lahat kagabi. Pero dahil routine nga ni Aqua ang gumising nang maaga kahit anong pagod nito ay siya ang naunang bumangon. Pagkaligpit nito sa kanyang hinigaan ay agad na itong bumaba. Hindi pa man nakakababa si Aqua ay agad na nitong naamoy ang palakang naluto. At alam na alam ng dalaga kung ano ang luto ng kinuha nilang palaka. Ginataang palaka iyon na may atsweteng pampakulay na may maraming luya, bawang at sibuyas. Malinamnam na napakasarap at talaga namang mapaparami ka ng kain. "Malayo pa lang ako amoy na amoy ko na ang nalutong palaka, Lola!" Masiglang sabi ni Aqua sa matanda pagkapasok nito sa kusina. Natawa naman si Aling Desta sa tinuran ng kanyang Apo. Alam nitong sabik na sabik na si Aqua sa mga lutong probinsiya. Kaya l