Walang na sinayang na araw sina Aqua kinaumagahan ay nanguha sila ng iba't-ibang mga prutas na pananim. Isinama din nila ang mga gulay kaya enjoy na enjoy ang mga ito kahit tirik na tirik ang araw. Hindi nila alintana ang init dahil kay presko naman ng simoy ng hangin lalo na sa tanghali. Kaya bukod sa stomach progress silang lahat ay busog lusog pa sila. "Ang saya dito sa probinsiya parang walang problemang dumarating ano?" wika ni Shiela habang nasa lilim sila ng punong acacia. Nagpapahinga na silang lahat at nakahilata na sa likod bahay. Sa katreng kawayan humiga sina Aqua at Shiela habang nakaduyan naman ang tatlo. Hindi sure ni Aqua kung tulog na ang magkakapatid dahil nakapikit naman ang mata ng mga ito pagkasulyap niya. "Masaya talaga dito hindi ka magugutom lalo na kung masipag