Maraming tao ang nadatnan nina Aqua sa kabilang barangay. Marami ding pagkaing nakahain, sa isang malaking bulwagan ay may mga nakaupong kadalagahan. Agad namang nakita nina Aqua ang grupo nina Raven. At maa lalong umasim ang mukha ni Aqua pagkakita sa suot ni Damsel. Kita na naman ang pusod nito at nakapalda pa ng maiksi saka naka-rubber shoes. Makapal din ang make up na para bang pupunta na sa isang bar para gumiling. "Alam mo, maganda naman siya kaya lang nasobrahan yata niya ngayong gabi at para na siyang isang clown." Komento agad ni Shiela. Sabay pa silang napahagikhik ni Aqua. Magkaibigan nga ang dalawa dahil kawawa ang kanilang nilalait kapag sila ay magkasama. "Kulang na lang isa na siyang Christmas light," Sabi naman ni Aqua at muling napahagikhik ang dalawa. "Ang ganda mo ng