Hindi nakarating si Hiro kinagabihan at tumawag ito kay Aqua. Sinabi ng binata na may banquet itong dadaluhan at nakakahiya daw hindi pumunta. Niyayaya niya nga si Aqua pero umayaw ang dalaga dahil alam niyang male- late sila pareho. Sa layo ba naman ng De Dios Hospital pagkatapos ay babalik pOoa sila sa banquet ay wala na silang madartnan. "Don't worry babawi ako bukas ng gabi," pangako naman ni Hiro. Kinabahan na naman si Aqua sa sinabi ng binata. Ewan ba niya at naging madalas na ang pagkabog ng kanyang dibdib. Siguro ay hindi siya sanay dahil nga ang lahat sa kanya ay first time. "Movie marath gabi diyan ako matutulog." Sabi pa ni Hiro. Lalo tuloy kumislot ang dibdib ni Aqua at mas lalo itong kinabahan. Paano ba naman kasi hindi na nga ito makahing kapag magkasama sila ni Hiro pagk