Hindi alam ni Aqua kung bakit siya kinakabahan pagkauwi nila ni Hiro galing sa labas. Basta ang alam niya hindi na tumigil ang kanyang puso sa kakakabog. Binging- bingi na siya sa malalakas na kabog no'n na nagdudulot ng kanyang pagkabalisa. "Kanina ka pa hindi mapakali, may sakit ka bang nararamdaman?" Pansin ni Hiro habang inaayos nito ang kanilang mga binili. "Wala ito! Okay lang naman ako," pagkakaila ng dalaga. Kapag sinagot naman niyang meron ay hindi naman niya alam kung ano ang kanyang sasabihing dahilan. Dinalian naman ni Hiro ang pag-aayos nito sa kanilang binili para makausap niya nang maayos si Aqua. "Binawi ko na ang sinabi ko sa head ng hospital na pang-night shift ka." Biglang sabi ni Hiro. "Ha?! Bakit?" Maang na tanong ni Aqua. "Hindi ba ayaw mo sana?" Tanong naman ni