Hawak-hawak ni Aqua ang kanyang dibdib habang tumatakbo papasok sa loob. Nagulat pa ito nang makasalubong niya ang kanyang Mama. "Bakit ka humahangos Aqua?" Nagtatakang tanong ng Ginang. Napalunok muna si Aqua bago ito sumagot sa kanyang Ina. "May...may nakita akong multo 'Ma!" Bulalas niya pero kasinungalingan naman iyon. "Ano!" "Sa may hardin...may...may multo!" "Nang tanghaling tapat Aqua?" pandidilat ni Alona. "Totoo ang sinasabi ko 'Ma," giit ng dalaga pero bigla din siyang inusig ng kanyang konsensya. "Anong nangyayari dito Alona?" Mula sa likuran ni Alona ay dumating si Don George. Humalukipkip naman ang Ginang. "Ito kasing anak ko tanghaling tapat may nakita raw na multo sa may hardin." Sagot ni Alona at tumingin kay Aqua. Lihim na napangiwi si Aqua hindi niya inaasahan