"Hi Ma!" bati ni Criselda sa isang puntod. Nasa sementeryo siya ngayon at dinalaw niya si Krizelle. Hawak ni Criselda sa kanyang kanang kamay ang mga plastik na naglalaman ng mga bote ng alak at iba pang ready-to-eat na pagkain at mga chichirya. Sa kaliwang kamay naman nya ang isang nakabilog na banig. "Long time no see?" parang casual nyang kinakausap ang puntod. Nilapag ni Criselda ang mga plastik sa gilid ng lapida ni Krizelle at nilatag ang banig na hawak nya sa harap nito. "Dito muna ako, Ma." paalam nya sa kanyang ina. "Sorry kung wala akong dalang flowers. Makikipag-inuman muna kasi ako sayo ngayon." Kinuha niya ang mga plastik at umupo sa nilatag niyang banig. Isa-isang nilabas ni Criselda ang mga laman ng mga supot at iniayos ito. Binuksan naman niya ang isang bote ng