"Ma, let me introduce Ms. Criselda Valdez," pakilala ni Lance kay Criselda. Nasa loob sila ng opisina ni Lani. Tinaasan naman ni Lani ng kilay ang ngayong nakapoker face na si Criselda. "Good morning Madam," bati ni Criselda sa kanya. Wala man lang kaemo-emosyon ang pagbati ni Criselda kay Lani. Kung papakiramdaman ay hindi mo magugustuhan ang atmosphere na naroon sa loob ng kwarto na iyon. Para bang anumang oras ay mayroong mangyayaring hindi maganda. Nararamdaman ito ni Lance at iyon ang ipinagtataka niya. Prenteng nakaupo pa rin si Lani nang bumati si Criselda. Pinagmasdan nya ang tindig ni Criselda mula sa paa hanggang sa ulo nito. "May gusto ka ba sa anak ko?" iyon ang unang naitanong ni Lani kay Criselda. Nagulat naman si Criselda sa itinanong ni Lani. Gayundin naman si L