Lumipas ang mga araw at tatlong araw na lang ay operasyon ko na. May ilan na ring nahanap na impormasyon ang lima pero hindi pa sapat. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming planong napag-iisipan. Nauubusan na ako ng oras. Limang araw na lang ay babalik na sina Art dito sa Pilipinas. Hindi maaaring wala akong magawa bago mahuli ang lahat. Tumunog ang aking telepono. Pagtingin ko ay agad na pumaskil ang ngiti sa aking mga labi. Si Art ang tumatawag. Sinagot ko agad ito. "Hey," bati ko rito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano ko siya babatiin kapag kausap sa cellphone. "I miss you, my love.." malumanay ang boses nito at halata ang pagod. Anong oras na ba sa kanila? "Hey, are you that tired? It's obvious to your voice." Nag-aalala ako. Baka pinapagod niya ang kanyang sa