IKATLONG PERSONA "Naihanda mo na ba ang lahat?" Tanong niya sa kanyang tauhan. Yumuko ito bago sumagot. "Opo. Ayos na po ang lahat." Ngumiti ang babae. "Good. Ngayon ay wala ng hahadlang sa mga gusto ko." Matagal na niyang pinlano ito at talagang umaayon sa kanya ang tadhana. Hindi niya akalaing may sakit ang babaeng gusto niyang tapusin. Magiging madali lang sa kanya ang lahat. "Pero m-may isa pong p-problema.." Nanginginig na saad ng lalaking kaharap niya. Nanginginig ito sa takot dahil alam nito kung ano ang kayang gawin ng babaeng kaharap niya. Ayaw nito sa mga taong pumapalpak at ang kapalit ng isang pagkakamali ay mismong buhay mo. Ginagawa niya lamang ito para sa kanyang pamilya. Wala siyang mahanap na trabaho at ang kanyang asawa ay naglalabada lamang. Nagkataong may sakit