WHERE THE HELL DID SHE GO?! Tinukod ko ang dalawa kong kamay sa tuhod ko at hinabol ang aking hininga. Feeling ko ah kasali ako sa marathon. Iginala ko ang aking mata. Sa'n nagtatago si Marrione? Nasa isang eskinita kami. Hindi ko alam na meron palang ganito dito. Maraming mga bagay dito na pwede niyang pagtaguan. Eh ba't nya ba ako pinagtataguan? Eh ba't ko ba sya hinahanap?! Tsk. I need to know why she's like that at kung anong ibig sabihin niya sa sinabi niya. Nagsimula na akong maglakad ng medyo nakabawi na ako sa pagkahingal. Ano't ang bilis tumakbo ni Marrione. Alam niya rin kaya kung nasan ang dalawa pa pati si Jaisse? May communication pa ba sila? How did she know that someone's after me? If it's Jaisse, pa'no nya iyon nalaman? "Marrione! Lumabas ka na dyan! I won't hur