I tilted my head. Nililinlang na naman ako ng aking paningin. He wouldn't feel something like that, would he? Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin at kumain na lamang. Pero hindi ako naging komportable dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Napainom ako ng tubig. Nang maibaba ko ang baso ay napaangat na naman aking tingin at nakitang nando'n pa rin si Art, nakaupo sa medyo malayong mesa sa amin, medyo lang naman pero kita ko pa, at matamang nakatingin sa akin. Napaiwas ako ng tingin. Bakit feeling ko may kasalanan ako sa kanya dahil sa kung paano siya makatingin sa akin? Bwiset ka talaga, Art. Hindi mo ako lubayan. Muli kong pinilig ang aking ulo. No, Amara. You're not doing anything wrong and Art won't feel something like that. Nililinlang ka lang ng iyong paningin. I c