Mabilis dumaan ang mga araw at next week ay semestral break na. Bilis di ba? Sana all. Kung ako ang tatanungin ay ayokong mag-sembreak. Bakit? Tanong ninyo kay Art. Charing! Eh kasi naman. Mas lalo kong makakasama si Art sa bahay. Parehas kaming walang pasok, di ba? Tapos ilang araw din yon. Hustisya naman sa puso ko! Gusto ko na nga siyang iwasan sa bahay man o dito sa school para maka-moveon. Hindi pala, iniiwasan ko na pala siya simula noong nagkasakit ako. Feeling ko kasi lalo akong mababaliw sa kanya kapag kinausap ko pa siya. Pupunta pa sa bahay ang mga magulang namin. Tsk. They'll stay there for five days. Mula October 30 hanggang November 3. Sabay-sabay yata naming dadalawin ang puso kong patay na patay kay Art. Pero tunay, nando'n nga sila sa amin. At magpapanggap na naman