"Babalik na ako sa kwarto ko." Bungad ko nang makabalik si Art. May dala itong pagkain at gamot. Wow, dinner in bed. Oh, Amara, wag kang kikiliging gaga ka. "No, you'll stay here." He said in finality. Sinamaan ko siya ng tingin. "Eh san ka matutulog aber? Alangan namang tumabi sa akin dito?" Kainis 'to. Sabi't dun na ako sa kwarto ko. Bukod sa hindi ako komportable dito sa kwarto niya ay hindi rin ako komportable dahil sa kanya. Napakamanhid talaga. Isang mapaglarong ngisi ang ginawad niya sa akin. "Pwede rin." Pinaningkitan ko siya ng mata. Walang hiyang lalaki 'to. "Edi sa kwarto na lang ako kesa naman makatabi kita dito." Saad ko. Nawala ang ngisi niya at napalitan ng seryosong mukha. "No. Stay here. I'll take the couch." Pagkasabi niya no'n ay lumabas siya ng kwarto. Pero mulin