Chapter 18 Gusto "Gusto mo ba talaga Ava?" may ngisi sa labi ni Madam A. Tumango ako at inayos ang high heels na pula. Ang aking bagong dress na pula ay labas ang buong likod. May mahabang kwintas ako na nasa likod ang pendant. Ang pendant nito ay isang paru-paro. Inayos ko rin ang higpit ng aking maskara. "K-Kailangan kong kumita kaya ayos lang." "Paano 'yung si Fostiso? Mukha pa naman yung wrestler," sinundot ako nito sa gilid na ikina igtad ko. "Ikaw ha! Siguro sabog na sabog ka sa kama habang binabayo nun' no?" Napapadyak pa ito. Tila iniisip ang mga sinasabi sakin. "Yung braso! Jusko day!-" "Ihanda na yung musika Madam A,lalabas na ako," pinutol ko na ang pag iimagine nito. "Naku itong si Ava! Porke' parang may lahi e' ang arte na!" pang aasar pa nito sakin. Napangisi na