Binalewala Dahil nga sabado papunta na ako sa mansyon nila Genevive. Nang makapag ayos ng gamit sa kuwarto namin lumabas ako para sana magluto na nang kanilang hapunan nang lapitan ako ni Genevive. Alam kong isa siyang modelo. Mula ibang bansa hanggang dito ay sikat siya. Hindi siya nangengealam sa trabaho ng mama niyang si Senyora Agnes sa kompanya. Ilang hapunan naring nagrereklamo si Senyora Agnes na wala siyang mapapala kay Genevive dahil walang ka alam alam sa pasikot sikot sa kompanya kaya makabubuti kong mapadali ang kasal nila ni Faustino para si Faustino na ang mamamahala. Ganon pala ang mga mayayaman. "Ava," Nakikita ko na naman ang namumugto niyang mga mata. "Uhm, iwan mo na yan." Ngumiti siya. "Samahan mo muna ako ngayong gabi." Inayos ko ang mga sangkap at tinawag an