(Mature Content) May babae Kabado ako nang sumapit ang alas sais. Nagrereklamo parin si nanay sakin dahil ayokong ibigay sa kanya ang bill namin. "Ba't ayaw mo bang pakita saking bata ka ha?!" halos sabunutan ako ni nanay. "Nay, wag' na kasi." "Titingnan ko lang naman hindi naman ako ang babayad!" umirap ito sa akin. Nanahimik nalang ako at hinayaan si nanay. Ikalawang gabi ko na 'to na hindi nakapasok sa club. Binigay ko kanina kay Frosto ang aking number kasi susunduin niya ako. Sa labasan ng sasakyan ko siya hinintay. Pinakain ko muna si nanay at nilinisan bago ako umalis. Sinigurado ko na tulog na siya ng umalis ako. Nakasuot ako ng fitted na jacket na de' butones na kulay maroon at isang itim na short shorts. Pinuyod ko ng buhok dahil kinakabahan ako sa hindi malamang ra