Big time Nailabas ko si nanay sa hospital at nakabalik na kami sa aming bahay. Akala ko matatapos na ang aking problema pero lumalala lang dahil kay tatay. Nang makauwi kami 'nung umaga ay hindi ko na matuturing na bahay ang aming bahay. Ang daming kalat at daming suka kung saan saan. Mas lalo ring naistress si nanay. "Ano bang pinag gagagawa mo dito Erning?! Ba't ang daming lalat dito? Nagmukha natong tirahan ng mga baboy!" sapo ni nanay ang noo. Tahimik akong naglalagay ng mga damit namin at inaayos ang mga gamit na dinala namin. "Huwag mo'kong dakdakan ngayon Rosal! Masakit ang ulo ko!" Umiling nalang ako nang matapos magligpit at nagkuha ng mop para malinisan ang sahig. "E kasi inom ka ng inom! Imbes na magtrabaho ka puro ka sugal!" "Nay, higa na po kayo doon. Bibili ako n