Just Fuck Hindi ako nagsalita lalo na't batid ko ang galit niya. Bakit na naman niya ginawa 'to? Sabi ko nang ayokong saktan si Genevive. Ang hirap, lalo na't nangangailangan rin ako ngayon. Wala nalang akong magawa dahil kailangan ko ng pang bili ng gamot ni nanay. Ang isang niyang kamay ay nakatukod sa bintana at nilalaro ang labi habang ang isa ay nasa manibela,tila malalim ang iniisip nito. "You like my twin huh?" kalauna'y sinabi nito sakin. Nakagat ko ang labi, "M-Mabait siya." sagot ko nalang at nakitang tumingin siya sakin sa rearview mirror. "Nagkakamali ka. You do not know him well." paglalaglag pa nito sa kapatid. Ang sama talaga ng ugali niya. "Kambal mo yun, sinisiraan mo." "I'm telling the truth," malamig niyang sabi at umiwas. Mapinong tumatakbo ang kanyang sasa