Torn Hindi ako pumayag. Nabigla ako sa sinasabi niyang proposal. Ano yun? Kahit kailan wala pang nag alok sa akin nun! Tsaka, nandiyan naman si Genevive! Bakit ako pa? Hinatid niya ako sa hospital kung nasaan si nanay.Hindi na ako nagsalita pagkatapos namin kumain. Sinabi pa niyang pag isipan ko raw ang alok niya. Sa totoo lang, nakakatempting ang offer niya. Pero sa kabila nun ay ang kaba ko. Baka karmahin ako sa mga pinaggagawa ko lalo na't ikakasal siya. What if mabuntis ako kung pumayag man ako sa alok niya? Hay! Pinilig ko ang ulo at pumasok na sa hospital. May nabili ako kaninang kakain sa daanan papasok dito sa hospital. Pagkapasok ko palang sa kwarto ni nanay ay nakita kong mag isa lang siya at wala si tatay. Mabilis akong lumapit at umupo. "Nay, kamusta ka ho?" alalang t